Third Person Point of View Napahilamos ng mukha si Fiona dahil hindi niya maintindihan ang lesson. Dalawang araw na ang lumipas matapos nilang gawin ni Terrence iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan. Nasa kuwarto siya ngayon at sinusubukang basahin ang past lesson nila sa kanilang mga subject dahil magkakaroon sila ng quiz next week. Kailangan na niyang basahin ang lahat ngayon para hindi na mahirapan pa ang utak niya kapag magkakaroon na sila ng quiz. Ayaw kasi niya sa lahat ay iyong nagmamadali siya sa isang bagay dahil matataranta siya nang bongga. Ngunit habang siya ay nagbabasa ay biglang siyang nanlamig muli kagaya nang dati niyang naramdaman nang magpunta siya sa kaniyang sasakyan. Sinubukan niyang gumalaw lalo na nang magsimula na naman niyang makita na kin

