"Cheer!" Sky shouted. "Cheers." We said in unison. "Cheer sa pusong nawasak ni Sky!" sigaw ni Parker, "Hindi niya makukuha ang magandang dilag dahil para 'yon kay Red." Tumawa kaming lahat sa kaniya. Nagcheers sila pero hindi ako sumama. "Lincoln, lutuin mo ng mabuti ang barbecue ah?" utos ni Vane. "Kung tulungan mo kaya siya?" suhestiyon ko. "Oo nga, Vane. Wala ka namang ginagawa." Dagdag ni Arthur. "Palibhasa patabain kasi 'yang bunso niyo." Sabi pa ni Sky. "Oo na! Tutulong na. Red oh! Inaaway na naman ako." Parang bata talaga. "Mas baby kapa yata sa mga kapatid ko eh." Nagdabog itong pumunta sa pwesto ni Lincoln. "Kapag sa babae, lalaking-lalaki pero kapag sa'tin bata? Mukha ba kaming tatay, Vane?" tumawa kaming lahat a mga pinagsasabi nila. "Ewan ko sa'yo!" "Bilisan niy

