Hapong-hapo ako sa kakahanap sa kaniya sa buong mall, first time kong pinasok ang comfort room ng mga babae pero wala talagang Whisper na nadoon. Binalikan ko din ang mga store na puwedi niyang pasokan pero wala, pumunta na akong food court at wala siya do'n. Dapat hindi ko na siya hinayaang umalis. Napagdesisyonan kong ilagay muna lahat ng dala sa parking lot. Hindi ko man lang mapunasan ang sariling pawis dahil sa hawak-hawak ko. Pagdating ng parking lot ay dumeretso ako sa kotse, binuksan ko ito at hinagis lahat ng gamit niya. Sumandal pa ako sa kotse at pinahid ang mga pawis na tumulo mula sa noo ko. I regret wearing this suit. I took off my suit at hinagis din ito sa driver's seat. "Where are you Whisper?" pabulong kong tanong. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad. Pero

