"Pula! Dalian mo diyan tapos na akong magbihis." Sigaw ko sa kaniya. "Teka! Tapos na!" lumabas siya suot ang pormal niyang damit. "Magpalit ka nga ng damit! Sa office ka ba pupunta o sa mall?" naiinis kong sambit. Oo, 'yan naman talaga amg sinosuot niya pero sobrang pormal kasi at hindi sa kaniya bagay maging bodyguard. "Tama naman ang suot ko ah? This is my uniform, ma'am." "Arrggghhh!" pumasok ako sa kwarto niya at dumeretso sa closet. Naghanap ako ng shirt at saka jeans. Ibinigay ko sa kaniya ito at lumabas. "Maghihintay ako sa baba, sir. Hiyang-hiya naman ako sa'yo." Bumaba na ako at umupo muna sa couch. Bumaba siya suot ang mga pinili ko. "You look good now. Hindi ka na masyadong pormal." "Because that's me, ma'am." I rolled my eyes. "Halika ka nga, may aayusin lang ako.

