Ipinaalam sa akin ni Daddy at Tita Yvon na ipasyal ang tatlo kong mga anak sa lungsod kaya naiwan akong mag-isa sa bahay. Dito rin lang naman ako pinupumtahan ng assistant ko kung may problema sa resort na kailangan ako mismo ang haharap. Mula dito ay matatanaw ko lang naman ang buong resort kaya kampanti akong iwan ang mga tauhan ko sa kanya-kanyang responsibilidad. Kasalukuyang wala si Kian dahil may inasikaso siya sa Maynila, mamayang gabi pa ang balik niya. Si Dinah naman ay kasama si Ian na pinafollow-up ang paghahanap kay Mico. Dalawang araw na mula noong kinausap ako ni Mico at mula noon ay di na ulit siya nagparamdam. Di ko na binanggit kay Kian ang tungkol sa kanya dahil tiyak mag-over react na naman iyon lalo na at isa sa mga anak namin ang inaangkin ni Mico. Bumabalik na

