Dumaan ang ilang araw na hindi nagparamdam si Mico. Sa loob ng mga araw na iyon ay di nawaglit sa puso ko ang pangamba at pag-alala. Pangamba dahil baka madamay ang mga anak ko sa maaaring pumasok sa magulong pag-iisip ni Mico na gagawin niya kung sakali. Dahil sa presensiya ni Kian ay unti-unti akong nakampanti na walang masamang mangyayari. Pero minsan pala kung kailan ka panatag na walang mangyayaring masama ay tsaka naman mangyari ang di inaasahan. "Sheena! Si... si S-Sky!" Sa umiiyak palang mukha ni Dinah ay parang kandilang nauupos ang lakas ko at bigla akong bumagsak sa kinatatayuan ko. Sinisigaw ng utak ko na tumayo ako at puntahan ko iyong anak ko pero ayaw makisama ng mga binti ko. Para itong napaparalisang di kayang makatayo. "Oh my God! Anong nangyari?" puno ng pag-al
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


