Chapter 28 BRIELLE… TARANTANG-TARAN naman si Bullet na hindi alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niya kung ang kukunin na ba ang bag na inihanda namin, o ang dalhin na ako sa sasakyan. “Damn!” naiinis na bulalas ni Bullet. Patalon-talon pa siya na mukhang may nasipa na kung ano kaya sapo nito ang isang paa nito habang tumatalon. “I need bring you first in the car,” anito na tumakbo palapit sa akin. Kanina pa ako naiirita sa kanya, hindi ba talaga ito aayos. Ganito ba talaga si Bullet kung natataranta na parang nakalitan na ang utak nasa loob pa ng bungo niya. Napailing ako, akmang bubuhatin na ako ni Bullet nang pigilan ko siya. “Brielle, we need to go the hospital.” Sabi niya na natataranta talaga. Kung hindi lang ako nakakaramdam ng sakit talag

