Chapter 21 BRIELLE… SABI NI Bullet hahanapan niya ako ng trabaho, pero isang linggo na ang lumipas hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung may nahanap na ba siya. Naiinip na ako sa bahay, nakakagulat man para sa akin pero totoong naiinip na ako sa bahay. Samantalang isa akong home buddy sabi nga ni Michelle, mas gusto kong magkulong sa kwarto kaysa ang lumabas at magpunta ng Mall o kung saan man iyan. Pero dito sa Italy iba ang nangyayari, naiinip na ako sa loob ng bahay. Kahit na ang dami ko na agad na libro dahil sa tuwing uuwi si Bullet may dala siyang mga libro para sa akin. “Naiinip na ako!” bulalas ko. Wala na akong ginawa kung hindi ang mahiga na lang sa buong maghapon. Kung hindi naman ako hihiga, manonood ng mga movie na paulit-ulit na lang na napapanood ko. Ngayon nakahiga

