The Dinner
Zei's POV
That woman, she was being nice to me. I just met her, right here in my brother's mansion. I think she is nice. The moment she stepped inside the room, I can feel her presence right away.
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Dolly ay agad akong bumaba upang magpahangin sa labas.
My brother is having a dinner with his attorney and the girl. I don't know why he needed to invite me to join them. Bakit hindi na lang sina Ma at Dad ang inimbitahan niya, bakit ako pa? I don't like fancy dinners. I prefer staying inside my room, listening to some groove music and lay down on my bed until I fall asleep.
Umupo ako sa isa sa mga bench na nakapwesto sa garden upang magpahinga, nananakit na rin ang mga balakang ko kakalakad sa loob. Nababagot na ako sa loob mansion na 'to, wala naman akong ibang gawin dito kundi kumain lamang. Basically, kain lang ang pinunta ko dito. Gusto ko na umuwi sa condo ko upang magpahinga. Ngunit kahit labag sa kalooban ko ang pumunta dito, sumunod na lang ako sa pakiusap ni Kuya. Minsan lang naman siya humingi ng pabor sa akin. Baka kung ano pa'ng sabihin niya kay Ma kung 'di ako susunod.
Dolly's POV
Tumayo ako sa harap ng salamin upang ayusin ang aking suot. Hindi naman siya masikip, katamtaman lang ang fit. Bagay naman sa hugis ng katawan ko. Above the knee lang naman ang haba nito kaya hindi naman nakakailang.
Pagkatapos ng aking pag-aayos ay agad na akong bumaba dahil pasado ala sais na. Ayaw kong masermonan kung hindi agad ako kikilos, kahihiyan 'yon.
Pagbaba ko ay sinalubong agad ako ni manang upang alalayan sa paglalakad.
"Ayos lang 'ho. Kaya ko naman 'ho maglakad." salita ko. Nakakahiya naman ata kung palagi na lang akong inaalalayan ng mga katulong dito. Ayaw kong makarinig ng masasamang salita tungkol sa akin. Maybe it's time for me na kumilos rin.
Pagdating namin sa dining hall ay nakahanda na ang mesa. May iba't ibang palamuti ang nakapwesto sa kadasulok ng lamesa. Napakaenggrande ng handaan, pang mayaman talaga. Nadatnan ko si Zei at ang isang hindi pamilyar na lalaki sa akin na nakaupo at kumakain. Dumapo naman ang tingin ni Zei sa akin na siyang dahilan upang ilipat ko ang aking mga mata sa kawalan.
Nang papalapit na ako sa lamesa ay biglang tumayo ang lalaking kasama ni Zei at nagsalita. "Good evening, I'm Yezorro, Harwin's brother. This is my little sister, Zei." aniya at itinuro si Zei.
"Nakilala na niya ako kanina pa, Kuya. No need to bother introducing me to her." she said in a cold tone. This girl is weird. The way she act like she is not interested in everything, palaging naka-poker face. Napansin ko naman kung paano natigilan ang kanyang kapatid, napilitan pa itong ngumiti at bumuntong-hininga. Napailing ito dahil sa naging pakikitungo ni Zei.
"I'm Dolly. Nice to meet you." pagpapakilala ko sa sarili. "Have a seat, Ms. Dolly." prisinta niya. Tumango naman ako. Inalalayan akong umupo ni manang at pinagsalin ng juice.
"Where are you from, Dolly?" biglaang tanong ni Yezorro.
"So, how did you guys meet?" My eyebrows raised because of that question. "Uh, nagkakilala lang kami sa office niya. I was applying for a job and…" Hindi ko alam kung aning idudugtong. My hands are sweating, I don't know what to do nor react.
"And he asked you to be his wife?" Nagulat ako sa naging tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig. So alam niya kung ano at para saan ang lahat ng ito? Yun ang gusto kong malaman upang malinawan ako.
Maya-maya pa ay bahagya siyang natawa at tumingin sa akin. "Don't worry, alam ko ang dahilan kung bakit ka niyayang maging asawa niya, obviously for business." Naningkit ang mga mata ko dahil sa narinig. Kung sabagay, it's all about business. There is no love between us. It's not a big thing, para ka lang nag-apply ng trabaho at kailangan mo yung gampanan. Things were starting to be clear for me, all of this are just acts, and the show must go on.
"What was your current job before you met my brother?" kaswal na tanong niya. Paano ko ba sasagutin 'to? "Actually, I was looking for a job back then. I was a former waitress of a coffee shop na malapit samin, also good enough para sustentuhan ang mga araw araw naming pangangailangan. The time came that I decided to resign. The reason was our employer is not giving us enough salary until their coffee shop went bankrupt. I stumbled upon Harwin's company and decided to take my shot." Iyan lang ang pwede kong sabihin. Mabuti pa't itikom ko na lang muna ang bunganga ko at baka may malaman pa silang hindi nila magugustuhan.
"Anyways, goodluck. I hope na maging successful ang plano niya." dagdag pa niya. So planado ang lahat ng 'to? At ang ibig sabihin ay kailangan kong tumulong?
Again, random questions kept invading my mind. Pumikit na lang ako upang kumalma. Nanatili akong tahimik hanggang sa dumating si sir Harwin na seryoso ang mukha. Agad siyang umupo at binuksan ang kanyang laptop.
"Eat first." He said in a cold tone. Is he talking to me? Salubong ang kanyang mga kilay habang abala sa ginagawa. Gusto ko na sanang magsalita ngunit pinigilan ko na lang. Sa halip ay sumandok na lang ako ng kanin at ulam na nasa harapan ko. Nabalutan ng katahimikan ang mesa, tanging ingay lamang na naririnig ko ay mga pagtunog ng mga kutsara at plato.
"Anong meron, Kuya?" biglang tanong ni Zei. She stopped from what she was doing and leaned on her chair with her arms crossed to each other. "I am having an urgent business with my attorney, Zei. Patuloy mo muna yong pagkain. Masamang magtira, Zei."
Napabuntong hininga naman si Zei ay sinunod ang kuya. According to her expressions, she was bored. Hindi ko na lang muna pinansin ang kanilang ginagawa at nagsimulang kumain.
"So kuya, how's work?" tanong ni Yezorro kay Harwin. "It was fine." tipid na sagot nito. Tumango naman si Yezorro at nagpatuloy sa pagkain.
Nagsimula na akong ngumuya nang biglang tumunog ang gatebell. It seems like may bisita siya. Nagkatinginan naman kami ni Zei.
"Prepare yourself." He said at agad tumayo. Inayos niya ang kanyang neck tie at dumiretso palabas. Binilisan ko na lang ang pagkain. Ilang minuto pa ang nakalipas ay bumukas ang front door at naunang pumasok si Harwin, kasunod naman nito ang isang hindi pamilyar na lalaki na nakasuot ng tuxedo at may dalang briefcase.
"Have a seat, Mr. Brighton." Nakangiting tumango ang lalaki at umupo sa pwesto na nasa kabilang side ng mesa. "This is Ms. Dolly." pagpapakilala niya sa akin. Tumango naman ito at nakipagkamayan. "Nice to meet you, Ms. Dolly." nakangiting aniya.
"And my sister, Zei." pagpapakilala niya kay Zei. Matamlay namang tumayo si Zei at nakipagkamayan sa lalaki. I heard her sighed after doing that.
Natapos na ako sa pagkain kaya't nanatili na lang akong nakaupo dito at naghihintay sa susunod na mangyayari. Harwin and the man were talking to each other, and obviously its about business. Paparating pa lang tayo sa exciting na part.
Maya-maya pa ay ipinatong ni Mr. Brighton ang briefcase sa mesa. Binuksan niya ito at kinuha ang kung anong meron sa loob. Ilang sandali pa ay inabot kay Harwin ang hawak na papel. What is it? A contract, perhaps? I noticed how his eyes were scanning throughout the entire paper.
Matapos niyang basahin ang kung anong nakasulat sa papel ay naglabas siya ng isang ballpen at pinirmahan iyon. Inilapag niya sa harap ko ang papel at pinandilatan ko siya.
"Is this a contract?" tanong ko at tumango naman siya. Lalong kumunot ang aking nang dahil sa kanyang naging sagot.
"Sign it." he said. Ngunit bago ko pa naman napirmahan ang papem ay binasa ko muna upang masigurado ang kanyang tinutukoy. Turns out it's a marriage contract. It didn't took long before I finally wrote my signature.
Ibinigay niya kay Mr. Brighton ang papel at napangiti ang lalaki. "Congratulations, Mr. Hawkins." aniya at saka nakipagkamayan. Nagpalakpakan naman sina Zei at Yezorro nang dahil sa narinig. Am I missing something? "Congratulations to our newly wed!" mahinang sigaw ni Yezorro. "Congratulations." tipid naman na bati ni Zei.
Newly wed? Wait a second, I need to slow things down.
Maya-maya pa ay tumayo si Harwin at si Mr. Brighton, ganoon rin ako.
"I guess my job here is done. Thank you ladies and gentleman for this evening" Mr. Brighton said while fixing his necktie. Inabot niya ang kanyang mga kamay sa akin upang makipag-shakehands. I didn't know what was going on. Tinanggap ko na lang ang kanyang kamay at ginawa ang dapat gawin.
Ilang segundo pa ay biglang hinawakan ni Harwin ang aking kamay na nagdulot ng libo-libong kuryente dumaloy sa aking katawan. Hinatid namin si Mr. Brighton sa pinto nang magkahawak kamay. Gusto kong bawiin ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawal ngunit pansin kong mas lalo niya itong hinihigpitan.
Matapos makaalis ni Mr. Brighton ay nagkatinginan kami sa isa't-isa. Agad ko namang binawi ang aking kamay dahilan upang bahagya siyang magulat.
"What's with your face?" bahagya siyang natawa sa binitaw niyang salita. Bahagya namang napakunot ang aking noo at sumagot, "Nothing." He was smirking while looking at me. Napayuko naman ako dahil sa hiya.
Ilang sandali pa ay nakangising tinalikuran niya ako at dumiretso paakyat ng kanyang kwarto. Naiwan naman akong tulala sa aking kinatatayuan.
Naglakad ako patungong banyo upang maghilamos at para pakalmahin ang sarili ko. Andaming tanong na pumapasok sa isipan ko, ngunit wala akong mga sagot para roon. I need an answer!
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. I looked at my eyes in the mirror and asked a question. Am I doing the right thing?
Matapos ang ilang minutong pagmumuni-muni sa loob ng banyo ay dumiretso na ako sa aking kwarto upang magpahinga. Habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame ay hindi ko pa rin maialis sa isipan ang mabilisang pangyayari.
Yun na yon? I'm officially married to this CEO?
Zei's POV
Matapos ang naganap na pagtitipon ay agad kong pinuntahan si kuya upang magpaalam na uuwi na ako. Natagpuan ko siya sa kanyang kwarto na kasalukuyang nakaupo sa kanyang kama at umiinom.
"Kuya? Uuwi na 'ho ako." salita ko.
Naidapo niya ang kanyang paningin sa akin at sumagot. "Ah, Zei. Ikaw pala. Uuwi ka na?"
"Yes, its already 10 in the evening. I still have school tomorrow." Tumango naman ito at saka ako tumalikod paalis.
Pagkalabas ko ng silid ay agad na bumalot ang katahimikan sa buong bahay. Sa tingin ko'y nakauwi na si Kuya Yezorro.
Nakauwi na ako sa condominium unit ko. Agad kong ibinagsak ang aking katawan sa kama. Kanina pa ako nababagot, tanging kain lang ang pinunta ko kina kuya. Ilang saglit pa ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong si Ma ang tumatawag. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasagutin ko ba ito o hindi.
Sinagot ko na lang ang linya upang makapagpahinga na ako pagkatapos.
"Ma?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Ano nga ba ang kailangan ni Ma kung bakit napatawag siya sa akin.
"How's your brother?" Is she talking about Yezorro or Harwin?
"Which one?" sarkastikong tanong ko.
"Harwin, I heard he brought a girl in his mansion and even had a dinner with you and Yezorro." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Don't tell me Yezorro said that to Ma. "Yezorro told me, it's all about business. Bakit hindi niya kami inimbitahan sa dinner?" may bahid na iritasyon ang kanyang boses. Bakit ako ang tinatanong niya? Eh pumunta nga lang ako roon para kumain.
"Bakit ako ang tinatanong niyo, Ma? Tanungin niyo po si kuya, siya lang ang may alam." Inaantok na talaga ako. For God's sake, Ma, may klase pa ako bukas.
"You didn't even bother to ask your brother?"
I scoffed when I heard that. Seriously, Ma?
"Hindi ko na 'ho obligasyon 'yan. Tanungin niyo na lang po si kuya at ako'y magpapahinga na."
"Sabihin mo sa kuya mo na pupuntahan namin siya ng Dad mo pagkauwi namin ng Pilipinas bukas." Naningkit ang aking mga mata sa narinig. Great, a message relay. Psh.
"Okay." tipid na sagot ko at ibinaba ang linya. Pati ba naman 'yan dadagdag sa mga problema ko. Imbes na mag-drama ay dumiretso na ako sa pagtulog.
Napabalikwas nang bangon si Dolly nang maramdaman niya ang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mga mata. Umaga na at malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang tungkol sa nangyari kagabi. She just got married, but there is no love between them, just fair business.
Nakasaad sa kasulatan na isa lamang siyang taga representa bilang asawa ni Harwin, ngunit tutol ang kasulatan sa pagkakaroon ng anak. Sa madaling salita, hindi pwedeng mabuntis si Dolly na si Harwin ang ama. All they wanted was fair business, after that they can freely part ways out of each other. Mayroon lamang siyang isang taon upang tumayong asawa ni Harwin.
"Mabilis lang 'to." usal niya. "Hindi kami pwedeng magkaroon ng pakiramdam para sa isa't isa, doing it so could violate the rules. I have to be careful na hindi mahulog sa lalaking 'yon." wika niya sa sarili. Agad naman siyang bumangon upang mag-ayos at makapag-asikaso.
Ano naman ang silbi niya bilang tumatayong asawa ni Harwin kung 'di siya kikilos nang tulad nito 'diba?
Instead of idling inside the room, she walked out and head to the kitchen. Saktong nadatnan niya si manang na nagluluto ng agahan.
"Magandang umaga 'ho." nakangiting bati niya sa matanda. "Magandang umaga rin, hija." Tumango naman si Dolly at nagmasid sa ginagawa ni manang. At para magampanan ang tungkulin niya bilang asawa, nakaisip siya ng paraan upang mabigyan ito ng kahulugan.
"Manang, ano po ang usual na kinakain ni Harwin tuwing agahan?" Lumingon si manang sa kanya. Isang nakakatuksong ngiti ang ginawa ni manang dahilan upang mapangiti rin si Dolly. Maya-maya ay bahagyang natawa ang matanda sa naging reaksyon ni Dolly.
"Ikaw talagang bata ka." natatawang wika ni manang.
"Ah, eh, gusto ko lang naman pong gampanan ang trabaho ko kay Harwin kaya ako na po magluluto ng agahan niya." nahihiyang sagot ni Dolly. Ipinatong ni manang ang kanyang kamay sa balikat ni Dolly at nagsalita.
"Mabuti naman at alam mo ang trabaho mo, kahit na hindi talaga kayo ikinasal sa harap ng altar." Naglakad ang matanda patungo sa counter at inihanda ang mga dapat na kailangan.
"Eh, manang. Tanging negosyo lang naman po ang habol ni sir Harwin kaya niya nagawa 'yon, ganoon rin po ako." Ilang sandali pa ay tumigil ang matanda sa ginagawa at tumingin sa mga mata ng dalaga. "Sigurado ka bang walang namamagitan sa inyo ng binatang iyon?" She gave her a teasing grin.
Inaasar ba ako ni manang? She wondered.
"Paano naman po kami magkakaroon ng pakiramdam para sa isa't isa eh hindi ko nga 'ho siya gaanong kilala?" wika ni Dolly.
Masungit pa naman 'yon.
"May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari sa buhay mo, hija. Dapat ay maging handa ka sa lahat ng darating. Maging mabuti man 'yon o masama."
Naiwang tulala si Dolly nang dahil sa mga binitawang salita ng matanda. Hindi na muna niya yon pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Matapos niyang makapaghain ay nagpasya siyang ihatid na lang ang pagkain sa mismong silid ni Harwin, sumang-ayon naman ang matanda.
Maingat niyang hinawakan ang tray kung saan maayos na nakahanda ang agahan ng masungit na lalaking 'yon. Nang makarating siya sa b****a ng silid ay kakaibang kaba ang agad niyang naramdaman. Bumuntong hininga muna siya bago maiging pumasok. "Sir Harwin?" sambit niya. "Nakahanda na po ang agahan niyo." Pumasok siya sa silid ngunit doon niya lang napagtantong wala palang tao. Imposible naman kung umalis ang lalaking 'yon eh hindi 'yon umaalis ng bahay kapag hindi nakakapag-agahan o nakakapagpaalam man lang. Kumunot ang noo niya at saka maingat na inilapag ang tray sa center table ng silid.
Hindi niya naiwasanag igala ang paningin sa loob. Isang picture frame ang pumukaw ng kanyang atensyon. A picture of a boy and girl playing together. Mas lalo siyang kinabahan nang mapagtantong hindi 'yon pangkaraniwang litrato dahil ang babaeng naroon ay pamilyar sa kanya. Hahablutin na niya sana ang litrato upang tingnan nabg maigi nang bigla siyang nakarinig ng bumubukas na pinto na siyang bumasag sa katahimikang bumalot sa silid mula noong makapasok siya. It was the sound of the bathroom door opening at mula roon ay lumabas si Harwin nang nakatapis ng tuwalya ang pang-ibabang parte ng kanyang katawan.
Napako ang kanyang tingin kay Dolly na kasalukuyan ring nakatingin sa kanya. "What are you doing here?" he asked in a husky voice. Napalunok si Dolly nang mapansing dahan-dahang lumalapit si Harwin sa kanya. His hair is still wet and his muscular body were also covered in wetness. Napatingala si Dolly at sumalubong sa kanyang mga mata ang nagtatakang tingin ng binata.
"U-uh, dinalhan kita ng breakfast." nauutal na wika niya. "N-nandoon s-sa center table nakalagay." dagdag pa niya. But still, Harwin stared at her for a couple of seconds. Nanatili siyang nakayuko at nag-iiwas ang tingin sa binata. Ilang sandali pa ay bahagya itong natawa at tumalikod sa dalaga. Pakiramdam ni Dolly ay nakahinga siya nang maluwag. Nakaka-suffocate ang presensya ng lalaking 'yon.
Lalabas na sana siya ng silid ngunit biglang nagsalita ang binata. "Can you do me a favor?" Her eyebrows raised when she heard that. She cleared her throat before responding. "Uhm, ano yun?" she answered casually. She can still feel her heart beating so rapidly. She needs to calm down. "I want you to pick my clothes." Ilang segundo siyang nabingi at natulala sa narinig. Tatanggi na sana siya nang maalala niya kung ano ang naging dahilan niya kung bakit niya tinanggap ang ganitong alok. And now she's here, facing the consequences, conquering her fear and bearing with the situation. Mahirap man ngunit kakayanin.
Dumiretso siya sa walk in closet ng binata at nagsimulang pumili ng susuotin nito. Alam niyang papasok sa trabaho ang binata kaya siya na mismo ang nagpasya kung anong susuotin nito. Suit, tie, shorts at white sando ang napili niyang susuotin ng binata, sana magustuhan niya. Hindi pa naman siya gaanong kabisado sa mga damit panlalaki.
Matapos ang ilang minutong paghahalungkat ay inilapag niya ang mga damit nito sa kama. "Here." wika niya. Napatingin sa kanya ang binata ngunit nag-iwas siya ng tingin. "You got better taste. From now on, I want you to pick my clothes for any occasion." Napanganga ang dalaga nang dahil sa sinabi ng binata. Uminit ang pisngi nito dahilan upang mapayuko siya sa hiya. "Aalis na po ako." pagpapaalam niya at saka unti-unting naglakad patungo sa pinto. "Where are you going?" biglang tanong ng binata.
Napalingon naman si Dolly nang dahil sa pagtataka. "Bababa na. Bakit?" confusion was painted on her face. "Nothing." tipid na sagot ng binata. Kumunot ang noo ng dalaga bago muling lumabas ng silid.
Dolly's POV
That's weird, he asked me about where I was going at syempre sa sala ang tungo ko. Saan pa ba ako pupunta? Gosh. Nakapag-agahan na ako at tinulungan ko na rin si manang sa mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan at pag-aayos sa kusina. Wala akong ibang magawa kaya't napagpasyahan ko na lang na manood ng tv sa sala. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga yapak sa sahig. Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog at nakita ko si Harwin na kasalukuyang pababa ng hagdan. My eyebrows raised when I realized he was wearing the clothes that he asked me to pick for him.
Napansin kong hindi maayos ang pagkakatali ng kanyang necktie kaya tumayo ako at lumapit sa kanya. Bahagya siyang lumayo sa gawi ko nang dahil sa gulat. "What are you doing?" takang tanong niya. Hindi na lang ako sumagot, baka kung ano pa ang lumabas na mga salita sa bibig ko. Sa halip ay maingat kong hinablot ang kanyang necktie at inayos 'yon. "There. Maayos na." nakangiting saad ko sa kanya. He was confused about what I did but I don't care. Ginagampanan ko lang naman ang tungkulin ko bilang isang pekeng asawa niya. I have to atleast make this relationship work, for the sake of his plan and mine.
Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako na magsalita siya tungkol sa magiging trabaho ko. "I'm going." biglang wika niya na ikinagulat ko. Saan siya pupunta? Kailangan kong malaman. "Where are you going?" takang tanong ko. "I'm going to work, why?" he answered with confusion. "Nothing." tanging sagot ko. He even smirked at me, fo God's sake! Dammit! Ano ba naman yan, oh. Magsalita ka naman tungkol sa mga gagawin ko. Psh.
Harwin's POV
Habang abala ako sa pag-aayos, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang tungkol sa kung paano niya nagawang ayusin ang necktie ko nang walang kahirap-hirap. "I'm going." pagpapaalam ko. Ilang sandali pa ay bigla siyang nagsalita. "Where are you going?" she was confused. Seriously? Papasok ako sa trabaho, may problema ba doon?
"I'm going to work, why?" nagtatakang wika ko. "Nothing." tipid na sagot niya. I gave her a teasing smirk. Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. This woman.