Chapter 7

1636 Words
"Hello, good morning!" Nakapikit pa ako nang sinagot ang tawag sa aking cellphone. "Good morning baby! I'm so excited see you later" bungad na bati sa akin ni Bernard. Ngayun ang araw ng punta namin sa Batanes at kagaya ng sinabi niyang plano ay iyon ang nasunod. Wala na akong nagawa dahil sa aking tingin iyon rin ang makakabuti para sa bakasyon namin na hindi kami masusundan ni Aliza. Nag-inat ako ng aking mga kamay bago naupo sa kama at naghikab, alas otso na nang umaga. Nagtagal lamang ako ng limang minuto sa aking higaan upang mag-dasal. Nagpunta ako sa aking banyo para maligo at ayusin ang sarili. Pagkatapos ay naghanda na rin ako ng aking mga gamit para sa bakasyon namin. Isang linggo kami doon kaya sa tingin ko ay okay na ang sampung pares ng damit at limang pares ng pantulog, tatlong pares ng rubber shoes at dlawang pares ng tsinelas, isinama ko na rin ang mga toiletries ko tulad ng shampoo, body wash, toothpaste, toothbrush, mouth wash, facial tissue, wet wipes, panty liners, feminine wash at bath towels. Nagtagal ako ng apat na oras sa pag aasikaso sa aking mga gamit. Sa oras na ito ay nasa airport na si Bernard. Dahil flight na nila CM papuntang Boracay. Ang alam nila ay kasama talaga si Bernard sa Boracay, nagpakita pa ito ng ticket na katunayan na siya ay kasama. Napatingin ako sa cellphone ko nang naramdaman ko iyon nag-vibrate, nakita kong notification yon sa aming GC, dinampot ko ang aking cellphone at binuksan ang mensahe. Natigilan ako sa aking nakita dahil hindi ko iyon inaasahan. Si Aliza ang nagmensahe sa aming GC at nakita ko ang mensahe niya kasama ang litrato nilang lahat na nasa airport. Katabi niya si Bernard at naka-akbay siya sa Babe ko. "Bora here we go" "Excited here! masosolo ko ang mahal ko" yan ang nakalagay na chat niya. Maraming nag-react may nag heart at nag wow. Pinindot ko nalang ang power button ng aking cellphone para magsara iyon at walang makita sa screen. Inabala ko na lang muli ang aking sarili sa pag aayos ng aking gamit dahil alas singko ang alis namin ni Bernard, ang oras ng flight namin ay alas syete pa naman ng gabi pero usapan namin ay susunduin nya ako ng alas singko para matulungan niya ako sa aking mga gamit at para hindi na maabala sila mommy sa paghatid sa amin. Isang oras na ang nakalipas ay lumabas ako sa aking kwarto upang kumain. I always choose to eat brunch dahil noong mga panahong nag aaral ako ay yun ang nakasanayan ko na rin ng oras ng kain. Habang kumakain ay naramdaman ko muli ang sunod-sunod ng notification sa aking cellphone. Dinampot ko iyon at binuksan ko habang umiinom ng juice. "Nasaan kana Bernard?" "Bernard!! asan ka maiiwan ka ng eroplano!" "Burn! pre asan kaba?" "Omg! maiiwan na tayo ng eroplano. Asan kaba kase Bernard?" Yan ang mga mensahe na mga nabasa ko. Mukhang umalis na siya doon at ano kaya ang ginawa niyang dahilan para hindi mkasakay ng eroplano papuntang Boracay. Ilang sandali lamang ay nag-ring ang aking cellphone at agad ko naman iyon sinagot nang makita kung sino ang tumatawag. "Baby! I'm on my way" Nagulat ako dahil napaka-aga pa para sunduin niya ako .Alas onse pa lang naman. "Ang aga pa Babe. Teka! paano ka nakaalis sa airport anong ginawa mo? anong naging excuse mo?" Sunod-sunod ang aking tanong pero siya ay natatawa lamang. "Hey! relax okay! don't panic baby, I'm okay. Sinabi ko lang na masakit ang tiyan ko, so that's why I need a toilet" "Paano ako makakapag-relax kung lahat sa GC ay nag-aalala? And they believed in you? si Aliza naniwala ba siya? si CM? so how it is? nakalipad naba ang eroplano nila?" "Ugh! my baby , don't worry I'm fine, and I can't wait to see you." Napangiti na lamang ako at sumang-ayon na lamang ako. "Okay! Drive safely babe! See you!" "Okay baby. I will" Pagkababa ko ng tawag ay tinapos ko na ang aking pagkain at hinanap ko si mommy sa buong bahay. Sa Library ko siya natagpuan, mukhang nagbabasa na naman siya ng paborito niyang libro ng paborito niyang sikat na manunulat. "Mommy" lumapit ako sa kanya at niyakap. "Oh anak, okay na ba ang mga gamit mo para mamaya?" iyon ang bungad niya sa akin. "Yes mommy, anyway kaya pala kita pinuntahan dito kase.... I just want to thank you and Dad also for this vacation" tumayo ako sa kanyang harapan at hinawakan ang kanyang mga kamay, tahimik lamang nakikinig sa akin ang mommy. "Thank you also for trusting Bernard, pumayag kayo na kasama ko siya sa bakasyon ko." "My sweetheart is really sweet!" iniamba nya ang kanyang mga kamay tanda na gusto niya akong yakapin kaya umupo ako sa tabi niya at gumanti ng yakap. "Hmmm. anak what ever happens always choose your happiness, Me and your dad is always here to support you. We trust you and Bernard also." Napangiti ako habang nakikinig kay mommy at yumakap ako ulit ako ng mahigpit. "I will be honest with you" napatigil ako na siyang iniangat ng tingin ko sa kanya. Hinawakan ni mommy ang aking mga kamay. "Anak, if you like Bernard it's really okay with me. Gustong gusto ko siya para sayo." Sa totoo lang ay kinabahan ako sa sasabihin ni mommy pero yun lang pala. "Don't worry mom! soon masasabi ko rin sa iyo na boyfriend ko na siya. Kapag malayo na kami kay Aliza." Sabi ko lamang sa akin isipan. Sigurado akong matutuwa talaga siya kapag nalaman niya ang tungkol sa relasyon na meron kami ni Bernard. Obviously she really likes Bernard for me, and that also makes me happy. Hindi ko na poproblemahin ang parents ko dahil gusto nila si Burn para sa akin. "Mommy, Thank you." iyon lamang ang nasabi ko sa kanya at muli ko siyang niyakap at hinalikan ang kanyang kaliwang pisngi. "Ma'am Ehra, nandito na po ang bisita niyo." Sabi ni Manang Lomeng sa akin na ikinatigil ko sa ginagawa kong miryenda. Alas dos na nang hapon at ito ang inaasahan kong oras ng dating niya mula sa airport. "Sige po, tatapusin ko lamang po itong sandwich." Gumawa ako ng paborito naming Hawaiian Sandwich, may ham, may cheese , mayo, ketsup at pineapple syrup. Ginawan ko rin si mom at dad. "Ayan, ready na!" Sambit ko. nakalagay na rin ito sa mga tray at may kasama na rin orange juice. "Manang Lomeng, pakidala na po yun isa sa garden at yun isa po ay sa library kung asan po si mommy, susunod na lang po ako maghuhugas lamang po ako ng kamay." Kinuha ni Manang Lomeng ang tray at umalis na rin. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Daddy sa garden, kausap niya si Bernard. "Ano kaya pinag-uusapan nila at parang seryoso pa sila?" tanong ko sa aking sarili. Dahan dahan lamang ako naglakad. Nakita kong nagkamayan silang dalawa at parehas na silang nakangiti. Mukhang tapos na sila mag-usap. Papalapit na ako sa kanila ng mapansin ako ni Daddy! "Iha, anak dito ka na pala! Huwag mo masyadong pinaghihintay ang bisita mo, saan kaba galing?" "Sa kitchen po, nagprepare po ako ng miryenda. Nagpadala na rin po ako miryenda niyo sa Library kung asan ni mommy." Sabi ko kay daddy na ikinagulat niya. Nakatingin lamang si Bernard sa akin habang nakangiti. "Oh daddy, why you look shock? I cooked a food and I think it's the first time you knew it.?" natatawang tanong ko sa daddy. Mukhang hindi siya makapaniwala dahil bihira lang naman ako magtambay sa kusina namin. At tsaka sandwich lang naman iyon nagagawa ko pero parang gulat na gulat si daddy. "Well, I admit yes! now i know you can cook. At dahil diyan pwede ka nang mag-asawa!" Nasamid ako sa sinabi ng daddy hindi ko inaasahan yon no! Nakita ko pang tumingin siya kay Bernard na para akong tinutukso. Wala akong makuhang salita sa sinabi ni Dad. "I'm just kidding anak! sa tingin ko ay kaylangan mo muna ng isang mabait, responsableng at mapagmahal na nobyo bago ka mag-asawa at kung meron man anak sabihin mo sa akin at kikilatisin kong maigi kung talagang deserve niya ang nag-iisang prinsesa ko." "Ohh dad, so sweet! of course i will choose better one like you!" yumakap ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. "I'll go to your mom! And by the way. Enjoy your vacation. Mag-iingat kayo doon at kung may urgent tawag lang kayo okay!" "Okay po tito! Salamat po" si Bernard ang sumagot at napatingin naman ako sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata ang saya niya. Ano kaya ang napag usapan nila. "You look so happy huh" pag agaw atensyon ko sa kanya. "Off course" hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at ngumuso rin. Tinapik ko naman iyon tanda ng pagsaway ko sa kanya. "Andito tayo sa bahay! pwede ba baka may makakita" umangat na lang sa ere ang kanyang mga kamay tanda ng pagsuko nya. "Kumaen ka na muna, ginawa ko yan para sayo." Napatingin siya sa lamesa kung nasaan ang pagkain. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ang upuan at pinaupo ako, siya naman ay umupo sa tapat ko rin na upuan. "I'm sure, masarap ito baby, Let's eat!" Habang naghihintay kami ng oras ay pinag-usapan namin ang mga importanteng gagawin namin sa bakasyon namin. Mabilis lang ang oras at eto ako ngayon sa aking silid para magbihis at kunin ang aking maleta. Sandali lamang ako nag-ayos dahil ayoko nang maghintay pa si Bernard ng matagal. "Oh mga anak! mag-eenjoy kayo doon ha! mag-iingat kayo. Tawagan niyo kami kapag nakarating na kayo ng Batanes." si mommy. "Yes mommy, mag iingat rin po kayo dito. Tatawag po ako kagaad pagdating namin doon"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD