Aliza Ferrer
"Aliza, alam mo na ba ang balita? si Ehra at Bernard dating na daw?!"
Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa mga nababalitaan ko. Ang una ay palagi nang pinapansin si Ehra ni Bernard, pangalawa ang laging pag-sunod sunod ni Ehra kay Bernard ay ayos lang dito. Samantalang ako palagi na lang niyang pinagsasabihan na huwag na ako mag-aksaya ng oras at panahon sa kanya. Ang totoo hindi ko kaya, mahal na mahal ko siya at nasasaktan ako dahil kahit minsan ay hindi man lang niya ako nabibigyan ng pansin at si Ehra ang palagi niyang nakikita.
"Aliza pwede ba?! tigilan mo na ang pag-sunod sunod mo sa akin?" sabi niya sa akin habang naglalakad at ako naman ay naka-sunod sa kanya.
"B-but Burn, I like doing this! diba nag-date tayo? I thought you wanted to know more about me?"
Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking mga siko.
"We dated once, and I think its enough" sabi niya sa akin ng may malalamig na tingin.
"B-but , nakilala mo na ako ng ganon lang? isang beses pa lang naman tayo nagkasama ha, b-bakit wala ng kasunod?" bumaba ang aking tingin sa kanyang mga kamay at kinuha iyon para mahawakan pero agad naman niyang binawi.
"Wala na Aliza, and don't expect anything dahil lang nakipag-date ako sayo."
"Why Burn? It is because of Ehra?" nakita kong bahagyang nag-igting ang kanyang mga panga at sumama ang itsura.
"It's not about her, kaya huwag na huwag mong isasali sa usapan na ito." malamig niyang tugon sa akin.
"D-do you like her huh Burn?" lakas loob kong tanong sa kanya pero wala akong nakuhang sagot, tinalikuran na lamang niya ako at naglakad palayo."
"Aliza, ano nang plano mo niyan? tigilan mo na kaya yan si Bernard wala ka na talagang mapapala diyan." Napairap ako dahil sa sinabi ni Mhayce.
"Bakit ako titigil? akin lang si Burn at hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nagiging boyfriend." Taas kilay ko sa kanya dahil medyo naiirita na ako sa sinasabi niya.
"Halata naman kasing ayaw sayo, pinag-sisiksikan mo pa yang sarili mo sa tao."
"At sino ang gusto niya? yung Ehra na yon?" sabi ko habang nginunguso ko ang babaeng yun!
"Malay ko, malay mo, malay nating lahat! Alam mo naman maayadong masikreto yon si Bernard, kahit nga mga tropa niya walang kaalam alam." Seryosong tugon niya sa akin.
"Alam mo Aliza, wala ka talagang mapala diyan kaya huwag ka nang umasa." Nagkibit balikat lamang ako.
"Tsaka ano ba nanyari sa date niyo noon? bakit hindi na nasundan!? siguro may nakita siya sayong ugali mo na baka ayaw niya!" Nagtagis ang aking bagang at nakuyom ang mga kamay dahil sa sinabi niya.
"Tsee! malay ko, hindi ko rin alam" napabuntong hininga ako dahil wala akong maisagot, dahil wala rin talaga akong kaalam alam.
Masyadong malihim si Bernard.
Ang tanging alam ko lang tungkol sa kanya ay yung mga common details tulad ng birthday, address, age and favorites niya. Pero mga personal tulad na lang ng lovelife o kahit man lang sino ang type niya ay wala akong ideya.
Kahit ganon ay hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang kanyang pinopormahan, kahit hindi halata sa mga kilos niya, pakiramdam ko talagang meron siyang nililigawan. Sobra-sobra ang pagkagusto ko sa kaniya, kaya kong makapanakit ng kahit sino lalo na kung malapit sa kanya.
Si Ehra ang nakikita kong malapit sa kanya, kahit alam niya at alam sa buong campus ang pagmamahal ng babae na yon sa kanya ay nakikita kong pinapahalagahan yon ni Bernard.
Samantalang ako ,ni katiting wala man lang ako nararamdaman na pagpapahalaga niya kahit lantaran na rin ang nararamdaman ko at inamin ko na rin yon sa kanya nang isang beses na kaming lumabas ng kaming dalawa lang.
"Hindi kaya si Ehra ang gusto niya?" tanong ko kay Mhayce habang nakapatong ang aking baba sa aking kamay.
"Huy! wala kang ebidensya." tinignan ko ng masama si Mhayce dahil totoo ang sinasabi niya.
Paano ko malalaman kung sino ang gusto niya, kahit ano o sino ay wala akong kaalam alam.
"Hay!" nasubsob ako dahil pakiramdam ko pigang-piga na utak ko kakaisip sa bagay na ito.
Hindi ko talaga kaya kung iba ang makakatuluyan niya.
Ako lang dapat, ako lang dapat ang mahalin ni Bernard.
"Lahat gagawin ko para mapunta siya sa akin!" determinado kong usal kay Mhayce.
"Uh-Oh!" biglang angat ko sa ulo ko ng narinig ko ang sinabi niya na parang may nakiya siyang hindi kanais nais. Napatingin ako sa kanya at inginuso niya sa akin ang nakita niya.
Si Bernard, may kasama siya at mukhang masayang masaya sila! Si Ehra na tila nag iisip na nakahawak pa sa kanyang baba at ng may sinabi siya at wala man lang akong nakitang pagkontra ni Bernard at inakay pa ito papasok ng kotse niya!
"Tsk! Tsk! Tsk! mukhang may nanalo na sa inyo ni Ehra girl!"
"Tseee!...." inirapan ko siya dahil napipikon na ako sa mga nanyayari.
"Mukhang may something na dalawang yan at parang super saya nila huh!" sabi pa ni Mhayce.
"Kapag hindi ka tumigil ng kakadada mo diyan sasamain kana sa akin!" gigil kong sabi sa kanya at nagkibit balikat na lamang siya.
Kapag mga ganitong pagkakataon at masama ang mood ko alam nilang talagang galit ako, at kahit kaibigan ko siya na napagbabalingan ko ng galit ko ay hindi naman nila ako iniiwan. Kaya kahit ganon ay nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay alam kong may taong tanggap kung sino ako at kung anong ugali ko. Sa tagal na namin magkasama at kabisado na niya ako.
Sandaling tumahimik kami parehas ng bigla niyang basag doon.
"Girl! tara na kumain, gutom na ako at doon mo lahat ibuhos ang badtrip mo! Libre kita!" nakangiti siya sa akin at tinugunan ko na lang dahil nakaramdam na rin naman ako ng gutom.
Tapos na kami mag-lunch at andito na kami sa aming classroom. Bahagya kong nilibot ang paningin ko dahil hinahanap ko si Bernard pero wala pa rin sila. Oo! wala pa rin sila ni Ehra, tanging nakita ko ay ang kanyang kaibigan na si CM. Sa kabilang side naman ay si Des at si Eloi na nag-uusap.
Napalingon naman ako sa pinto na maramdaman ko ang presensya ng taong hinahanap ko, napangiti ako at sandaling napaismid dahil ang kasunod niyang pumasok ay ang babaeng karibal ko.
May araw ka rin babae ka! kapag nalaman ko lang talagang may namamagitan sa inyo ay hindi mo gugustuhin ang mga gagawin ko!" sabi ko sa isip ko na di ko namalayang kuyom na pala ang mga kamay ko.
Bumalik lang ako sa sistema kong matino ng tapikin ako ni Mhayce ,dumating na pala ang aming professor at napatikhim ito at bumati sa amin.
Nang matapos na ang tatlong buwan ay eto na ang pinakahihintay nang lahat ang aming pagtatapos.
Natapos na lamang kami ay hindi pa rin ako napansin ni Bernard at hanggang ngayun ay talagang wala akong ideya kung ano si Ehra sa buhay niya.
Naisip kong baka may ideya na siya sa ginagawa ko kay Ehra dahilan na rin kung bakit ako iniiwasan ng lalaking mahal ko.
Nang makakuha ako ng pagkakataon na macorner si Ehra ay agad ko siyang pinagbantaan. Sobrang ingat niya I mean nila! kaya kahit gusto ko siyang paaminin ay hindi ko magawa dahil wala naman akong sapat na katibayan para ipa-mukha sa kanila ang mga hinala ko.
Nakita ko siyang naglalakad kasama si Eloisa patungo sa comfort room, agad ko naman sinundan at hindi ko rin namalayan na nasa likod ko si Mhayce.
Pagkapasok nila sa pinto ng C.R ay pumasok rin agad kami na siya namang hinila ni Mhayce si Eloisa at kaming dalawang na lang ang naiwan ni Ehra ay nilock ko ang door knob ng pinto.
"Congrats Ehra!, so paano na yan? hindi na tayo magkikita niyan, eto na ba ang huli natin pagkikita?" mataray kong salubong sa kanya.
"Aliza, hanggang ngayon talaga hindi mo ako tinigilan, sobra ka bang nasisiyahan kapag ginaganito mo ako?" napabuntong hininga niyang tanong sa akin.
"Oo! i-consider mo na ring graduation gift sa akin, hahaha! at alam mo ba? Kahit graduate na tayo ay hindi ako titigil hangga't hindi ka nawawala sa landas ko! Kaya huwag kang pakasigurong makakahinga ka na ng maluwag!" Iritadong sambit ko sa kanya.
"Tungkol saan na naman ba ang problema mo sa akin? Kung tungkol ito kay Burn, hindi ko na problema kung bakit ayaw niya sayo, kaya wag mo ko pag-initan! pwede ba?" naiinis at diretso na sambat ni Ehra.
Slap!....
Nagpanting ang mga tenga ko kaya hindi ko napigilan ay nabigyan ko siya ng isang malakas na sampal. Sobrang sapul na sapul ako ng sinabi niya at alam kong iyon ang totoo ang wala talaga akong pag-asa kahit katiting.
Nang akmang sasampalin ko ulit siya ay natigilan ako, dahil narinig may sumusigaw sa labas at kinakalabog ang pinto.
Tol! si Bernard!!!"
Sigaw na isang babae at hindi ako nagkakamaling isa yon sa mga kaibigan ng nasa harap ko. Kaya napaismid ako.
Nakita kong bahagyang pag-aalala sa mukha niya.
"Tol! si Bernard, naaksidente daw!" n
Doon ako nagulat sa sumunod niyang sabihin, agad akong nagpunta sa pinto at binuksan iyon.
"Tol! Ehr-" napahinto ako ng magbukas at nakita ko ang pag-ngisi ni Des.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Planado ni Des ito.
Si Burn ang bumungad sa harapan ko at may malamig na tingin sa akin.
"What's happening here?" tanong ni Bernard at tila ba may hinahanap sa paligid.
"A-ahh wala naman. N-na-lock ko lang ang pinto kaya siguro hindi sila nakapasok agad." Palusot ko, pakiramdam ko ay narinig nilang tatlo ang ginawa ko kay Ehra, nangiwi ako nang wala man lang akong narinig sa kanya sa halip mas tinanong niya ang babaeng nasa likod ko.
"Ehra, are you okay?" bigay pansin niya kay Ehra.
"Anyways, I have to go! hinihintay na ako nila Mommy! Congratulations guys! and good luck! Bye" paalam ko sa kanila at agad nang lumayo.
Sht!! baka narinig ni Bernard lahat ng sinabi ko , baka pati ang pagsampal ko sa babaeng yon!
Lalo na akong bad shot, tsk!
Tuloy tuloy lang ang lakad ko papunta sa parking lot.
Saglit akong tumigil dahil may nahagip ang aking mata, naikuyom ko ang aking kamay.
Ang pamilya nilang dalawa ay magkasama at mukhang masayang masaya sila.
May kirot sa aking dibdib ang nangibabaw at pakiramdam ko na wala talagang pag-asa.
Hindi ako susuko, magiging akin ka Bernard!