Chapter 2

1532 Words
Habang naglalakad kami ni Des ay hinarang kami ng grupo ni Aliza, papunta kami sa gym dahil manunuod kami ng laro nila Bernard ng basketball. "Hoy! Ehra!" tawag sa akin ni Aliza, napatingin ako sa kanya at sa mga kasama niya. "Ano na naman bang kailangan mo sa amin Aliza?!" tanong ng kaibigan ko. "Ikaw ba si Ehra at ikaw ang sumasagot dyan?!" Sabi ni Aliza kay Des. "Aliza, bakit na nman ba? wala ka bang ibang makita kung hindi ako?" napakamot na ako sa aking kilay dahil naiinis na ako dahil baka hindi na namin maabutan ang laro nila Bernard. "Oo! at ayus ayusin mo lang malandi kang babae ka! Tigilan mo ang kakasunod kay Bernard!" iritableng sabi niya sa akin "kapag hindi ka tumigil ay babalian kita ng buto at ipapahiya talaga kita sa buong campus!" "Hoy! umayos ka nga ng pananalita mo, pwede ka namin ireklamo ng pananakot huh!" sabi ni Des "Alam mo kung si Ehra patay na patay kay Bernard, ikaw naman baliw na baliw!" sabay irap ng kaibigan ko kay Aliza. "Halika na nga Ehra! baka malapit na matapos ang laro nila Bernard di na tayo nakapanood, masyadong maraming kulang sa pansin ngayon sa paligid!" Hinila niya ako papunta sa gym. Sa tuwing makakaharap ko si Aliza ay lagi na lang ako napapatiklop, oo natatakot ako sa kanya hindi ko rin alam kung bakit kaya madalas hinahayaan ko nalang siya asarin at sirain ang araw ko. Andito na kami ngayon sa restaurant, habang naghihitay sa pagkain na inorder namin ay pumasok na naman sa isipan ko ang nanyaring yon sa pagitan nmin ni Aliza sa tuwing kasama ko ang lalaking mahal ko. "Baby, anong plano mo after graduation?" napatingin ako sa kanya. Nilalagyan nya ng pagkain ang aking pinggan. "Gusto ko sana magpunta sa El Nido Palawan pero pinag iisipan ko pa, ang gusto kasi ni Daddy ay magpunta na lang ako sa Barcelona, iyon daw ang graduation gift nila sa akin ni Mommy" habang ako naman ang naglalagay ng mga hiniwa kong manok sa pinggan niya. "I see, kung saan ka pupunta sabihin mo sa akin , sasama ako sayo!" napaawang ang labi ko dahil sa pagkagulat. "Why? bakit ganyan ang reakyon mo? Ayaw mo ba?" sandali akong natigilan. "H-hindi naman, I thought may iba kang plano with your friends." saglit niyang pinisil ang aking ilong at ngumiti. "Actually, may plano sila at pinipilit nila akong sumama, they're planning to go on Boracay with Aliza , but it's not good idea for me kaya ayoko" kumunot ang noo ko at bahagyang humaba ang nguso sa pagkakarinig ng pangalan ni Aliza. "I'd rather choose to go with you somewhere you want" sandaling napakagat ako sa aking mga labi dahil sa nararamdamang kilig. Kahit magdadalawang taon na kami ay hindi niya ako binibigong pakiligin , sa mga simpleng banat niya ng mga salita at kilos kinikilig talaga ako. Magiging choosy pa ba ako e alam ng lahat na patay na patay ako sa lalaking ito! "Okay, i will tell you babe" at ngumiti ako sa kanya. "Yes! Finally masosolo rin kita!" natawa ako sa sinabi niya ,para siyang batang napagbigyan sa kanyang kagustuhan. "Babe , let's finish this! baka malate na tayo sa next subject natin." Natapos na kaming kumain at ngayon ay andito na kami sa classroom namin. Tumabi ako kay Des at siya naman ay kila CM. "Ehra, mukhang busog na busog ka ha! Ayiee!" pangangantiyaw niya sa akin habang hindi mapakali sa upuan niya, maski si Des ay hindi niya alam na boyfriend ko na si Bernard. Medyo my kadaldalan kase itong tinataglay baka hindi siya makapagpigil ay baka makarating kila Aliza ang tungkol sa amin ng Babe ko. "Des! para ka diyan inasinan na bulate, umayos ka nga!" bulong ko sa kanya. "Saan kayo nagpunta!?" "Ano kinain mo" "Masarap ba?" sunod sunod niyang tanong sa akin. "Ano pakiram-" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil tinapik ko siya dahil sa pagdating ng aming professor. Napapangiti ako at napapailing sa reaksyon ng kaibigan kong ito sobrang excited sa love life ko. "Ehra! ano bang meron diyan sa Bernard na iyan at grabe mo naman sambahin?" may halong inis niyang tanong sa akin. "Grabe ka tol sa sambahin! ano naman mahal lang!hahaha" natatawa kong sagot sa kanya. Araw-araw niyang tanong sa akin dahil araw-araw ko siyang hinihila kung nasaan man si Bernard naroroon. Pumupunta kami palagi kung nasaan si Bernard para lang makita ko siya at mapagmasdan. "Saan na naman ba tayo Miera!?" Miera ang tawag niya sa akin kapag medyo naiinis na siya sa akin, pero balewala yun sa akin dahil alam ko namang lilipas din yon. "Narinig ko kase nasa gym daw sila Bernard, naglalaro ng basketball kaya doon tayo pupunta!" sabi ko sa kanya. "Naku! siguradong andon n yon sila Aliza, wag na tayo pumunta doon, masisira lang ang araw mo!" natigilan ako bigla dahil hindi malabong mangyari talaga yon. "Hayaan mo na, importante nasilayan ko naman si Bernard " nakangiti kong sabi sa kanya. "Naku tol ha! wala ka naman mapapala diyan kay Bernard, ang balita ko ay may nililigawan na siya at si Aliza daw" napatigil ako sa narinig ko at humarap sa kanya. "T-totoo ba yan tol? b-baka naman fake news yan?" hindi makapaniwalang tugon ko "Oo tol! sabi pa nga nila ay dating na!" kinuha ang cellphone niya at nagscroll na tila may hinahanap "ayan oh! tignan mo tol , totoo pala talaga!" ipinakita niya sa akin ang cellphone niya at don ko nakita ang litrato na magkasama si Bernard at Aliza sa isang restaurant. "Pinadala sa akin yan ni Xyza, nakita daw nila yang dalawang yan at mukang dating talaga huh." Bagsak ang mga balikat kong naglakad papunta sa gym at naluluha ako dahil sa balitang nalaman ko. "Kringggggggg" Tunong ng bell ang napagbalik ng atensyon ko. Tapos na naman ang isang buong araw namin sa Unibersidad. Naglalakad na ako papunta sa aking kotse ng may humarang sa dinaraanan ko. "Hoy Ehra!" tawag sa akin ni Aliza. "Talaga bang gusto mo akong subukan ha!" taas kilay niya habang nagsasalita, habang ako ay nakatayo at nakayuko. "Diba sabi ko sayo lubayan mo na si Bernard! Akin lang siya Ehra!" Gigil na gigil niya sabi sa akin. "A-anong magagawa ko, siya naman itong lumalapit sa akin Aliza." nauutal kong sabi sa kanya. "Wala akong pakialam kung siya ang lumalapit sayo, basta ang sinabi ko ay iwasan mo si-" napatigil siya ng marinig niya si Bernard. "Girls, may problema ba?" tanong ng babe ko. Salamat talaga at dumating siya kung hindi baka nakatikim na naman ako ng mag asawang sampal ni Aliza. "H-hi Burn, w-wala naman , gusto ko lang sana yakagin si Ehra sa sumama sa amin sa park, alam mo na para naman maka close na namin siya." plastik sabi ko sa isip ko. "Ehra? sige na pumayag ka na!" humarap siya sa akin at pinandilatan ng mata. Bago pa ako nakasagot ay nagsalita si Bernard. "No need Aliza! May pupuntahan kami". Naku lalo magagalit si Aliza dahil sa mga sinasabi mo. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya na siya rin ikinairap ni Aliza sa akin. Alam kong sinabi lang ni Bernard na may pupuntahan kami para lamang tigilan na ako ni Aliza. "Ah ganun ba Burn? s-sige next time na lang namin siya isasama." lumapit siya sa akin "it's your lucky day poor girl! bulong niya sa akin. "B-bye Burn! see you tomorrow!" tinaas pa niya ang kanang kamay niya habang papalayo sa pwesto namin. Nakatingin lamang ako sa papalayong grupo ni Aliza ng marinig ko si Bernard. "Baby, are you okay?" nag aalalang tanong sa akin. "Y-yeah! Okay lang ako babe! Thank you pala dumating ka, kung hindi baka katakot takot na salita na naman ang narinig ko kay Aliza". "You know baby, I don't understand why she's acting like that to you?" naglalakad na kami papunta sa kotse ko. "Me too, siguro sa sobrang kagustuhan niya sayo ,mukang na obsess na talaga sayo, pati ako na wala naman ginagawa pinag iinitan niya." malungkot kong sabi sa kanya. "Malaman ko talaga na may ginawa siya sayong hindi maganda, ako talaga makakalaban niya, I don't care kahit babae pa siya" salubong ang mga kilay niya habang nagsasalita. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinimas ng bahagya. "Babe! I'm fine okay! don't worry! just relax!" ngumiti ako sa kanya "kung kaligayahan niya ang ibully ako, hayaan na natin sila" ngumiti ako sa kanya para kumalma siya. "Isa pa ilang buwan na lang graduation na, matatapos na rin ang ginagawa nila sa akin." napatingin siya sa akin. "Yeah! I know!" andito na kami sa tapat ng sasakyan ko. "Baby, please drive safely. Call me when you get home" tumango ako at pumasok sa aking kotse at binuksan ang bintana. "Okay babe! ikaw rin mag iingat ka ha!" bahagya siya yumuko para maipasok ang ulo sa bintana ng kotse ko. "I love you!" sabi niya habang nakanguso, kapag ganyan alam ko nang gusto niya ng kiss. Tumingin muna ako sa paligid namin kung may mga tao. Binigyan ko siya ng mabilis na halik lamang dahil meron pang ibang mga estudyante sa parking lot. "I love you more babe!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD