Chapter 4

1544 Words
Congratulations! Congrats! Kaliwa't kanan ang naririning kong pagbati mula sa mga tao.Ngayon ay ang araw ng aming pagtatapos Natapos na ang seremonya at nandito kami ng mga magulang ko sa labas ng function hall. "Anak, hintayin natin ang Cruz family" sabi ng mama ko. Nagtataka akong lumingon kay mama at tumingin na tila nagtatanong kung bakit. "Nag- invite kasi si Kendra na sumama daw tayo sa kanila for dinner after the graduation ceremony, and it's okay with your papa" napangiti ako dahil makakasama ko si Ehra pati ang magulang niya sa pagkakataon ito. "Ahhh okay Mama" napalingon ako sa aking paligid dahil hinahanap ng aking paningin ang Cruz family. "Alice! Long time no see" rinig ko bati ng mommy ni babe. "Hi Bernard, congratulations iho!" bati rin sa akin, lumapit ako at nagbeso sa future mother in law ko. "Thank you tita, where's Ehra po?" tanong ko. "Papunta na yun dito iho, nagpa-iwan saglit kausap yung mga kaibigan niya." "Puntahan ko lang po si Ehra ma,." paalam ko sa mama ko. "Okay anak, dito namin kayo hihintayin ha! bilisan niyo lang para makaalis na tayo." "Okay Ma!" nag-lakad na ako pabalik ng function hall nang may naka-agaw ng atensyon ko, si Des at Eloisa na magkasama. Hindi nila kasama si Ehra, nasaan siya? tanong ko sa isip ko. Lumapit ako sa kanila para sana magtanong ngunit napahinto nang narinig ko ang kanilang pinag-uusapan. "Ano na kaya ginagawa ni Aliza kay Ehra?" nagmamaktol na sabi ni Eloisa. "Bakit kase iniwan mo siya doon?" iritableng sagot ni Des. "Hindi ko talaga siya iniwan tol! tinulak ako palabas ni Aliza at sinarado nila ang pinto, kaya pinuntahan kita dito, balikan natin si Ehra doon." Nag-aalalang sabi ni Eloisa. "Halika na,pumunta na tayo doon." "Tara na" huminto sila saglit kaya huminto rin ako at bahagyang nagtago. "Humingi kaya tayo ng tulong?" Tanong ni Eloisa "Puntahan muna natin si Miera, alamin muna natin ang nanyayari doon" agad silang lumakad ng mabilis na siyang sinundan kong muli. Kung nasaan man si Ehra at Aliza ngayon ay alam ko kung ano ang nanyayari, hindi malabong tinatakot na naman nila ang baby ko. Napatigil ang dalawa at sa aking palagay ay nasa loob ng comfort room silang dalawa. Kinakalampag nila ang pinto pero wala pa rin lumalabas doon. Pinipihit na rin nila ang seradura ng pinto at mukhang naka-lock talaga. Hind na ako nakapag-pigil kaya lumapit na ako sa kanila. "Girls, may problema ba?" napapitlag sila pareho, mukang nagulat ko sila. Lumapit sa akin si Des, "tulungan mo si Ehra" bulong niya lamang sa akin kaya nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko alam kung bakit siya bumubulong gayon pwede naman niya sabihin sa akin ng harapan. "Nasa loob si Aliza, mukhang may gagawin na namang hindi maganda kay Ehra." Nakuyom ko ang mga kamao ko, bahagya akong tumingin sa pinto at tumango ako kay Des. "Kakatukin ko ang pinto, kunwari ay may nanyari sayo. Sigurado akong lalabas din yon si Aliza kasi isa pa yon na patay na patay sayo " napatawa ako nh bahagya sa suhestyon ni Des, pumayag na lamang ako dahil may punto rin naman siya. Nang akmang kakatok siya ay bigla siyang napatigil nang narinig namin ang isang boses na pamilyar. "Congrats Ehra!, so paano na yan? hindi na tayo magkikita niyan, eto na ba ang huli natin pagkikita?" si Aliza. "Aliza, hanggang ngayon talaga hindi mo ako tinigilan, sobra ka bang nasisiyahan kapag ginaganito mo ako?" tanong ni Ehra. "Oo! i-consider mo na ring graduation gift sa akin, hahaha! at alam mo ba? Kahit graduate na tayo ay hindi ako titigil hangga't hindi ka nawawala sa landas ko! Kaya huwag kang pakasigurong makakahinga ka na ng maluwag!" Tugon ni Aliza na may halong pag-babanta. "Tungkol saan na naman ba ang problema mo sa akin? Kung tungkol ito kay Burn, hindi ko na problema kung bakit ayaw niya sayo, kaya wag mo ko pag-initan! pwede ba?" naiinis na sagot ni Ehra. Slap!.... Tunog iyon ng pagsampal ha! "Malaman ko lang talaga Ehra! Kapag mayroon namagitan sa inyong dalawa alam mo ang manyayari sa buhay mo , sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya at hinding hindi mo siya makakasama, alam mo kung saan ang deretso mo! Naiintindhan mo ba?! Akin lang siya. Akin lang!" may diin ang bawat salita niya kay Ehra. "Tol! si Bernard!!!" Sigaw ni Des habang hinahampas ang pintuan. "Tol! si Bernard, naaksidente daw!" "Tol! Ehr-" hindi na natuloy ang pag-tawag sa pangalan niya dahil siyang bukas ng pintuan at palabas na si Aliza. Nanlaki ang mata niya ,nakatayo ako sa harapan ng pinto kaya ako ang agad na nabungaran niya. "B-bernard" nauutal niyang tawag sa akin. Samantalang mas naka-agaw pansin sa akin ang nasa likod niya, nakahawak ito sa kanyang pisngi habang hinihimas-himas. Agad naman siyang napuntahan ni Des at Eloi. "Tol! ayus ka lang ba? anong ginawa sayo ng babaeng yan?!" galit na tanong ni Eloi. Hindi siya nagsasalita, napatingin siya sa akin at napakagat labi. "Naku! sabi ko na nga ba e, isang tawag ko lang kay Bernard panic mode kang babae ka!" tumaas ang kilay ni Aliza dahil sa sinabi ni Des. "What's happening here?" nagtanong ako na kunwaring wala akong narinig kanina. "A-ahh wala naman. N-na-lock ko lang ang pinto kaya siguro hindi sila nakapasok agad." pag-aalibi ni Aliza. "Ehra, are you okay?" bigay atensyon ko sa kanya, pero hindi pa rin siya nagsalita. Alam kong nasaktan siya malakas ang narinig namin na sampal kanina. "Anyways, I have to go! hinihintay na ako nila Mommy! Congratulations guys! and good luck! Bye" Paalam niya sa amin na parang walang nanyari at tuluyang lumakad papalayo sa amin. Talagang kahit kailan hinding hindi ko siya magugustuhan. Aanhin ko ang magandang mukha at katawan kung masama naman ang pag-uugali. "Naku tol! mapula ang pisngi mo ha!" sigaw ni Eloi. "K-kanina pa ba kayo diyan sa labas?" tanong niya. "Oo, tol! buti na lang dumating tong si Burn! kung hindi baka naka-dalawa pa yang Aliza na yan sayo!" galit na sabi ni Des. "N-narinig ninyo?" napangiwing tanong niya. "Yes! at kailan ka pa niya pinagbabantaan huh?!" himig kong medyo galit na kinatulala ng dalawa niyang kaibigan. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ang mapulang bakat. "Are you hurt? sobrang sakit ba?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inalis niya iyon sa pagkakahawak ko sa pisngi niya. "O-okay lang yan, sanay na ako diyan." Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Damn! kailan pa niya ito nararanasan? Inis na tanong ko sa isip ko. Nakatingin lamang ako sa kanya habang inaayos niya ang kanyang sarili. "S-sige tol! mauuna na kami, Ahmm Burn maiwan na namin sayo si Ehra ha, baka kase hinahanap na ako ng parents ko." Sabi ni Des na parang nagtataka sa kilos ko. "A-ako rin tol." Si Eloisa na halatang kinikilig naman. "O-okay! tatawagan ko kayo mamaya mga tol. Ingat kayo at congrats ulit." Nag-beso pa silang tatlo at umalis na ang dalawa. Habang nakatingin si Ehra sa dalawang papalayong kaibigan ay narinig ko siyang napabuntong hininga. Marami rami pa rin tao dito sa function hall pero halos paalis na silang lahat. "Halika ka na, hinihintay na nila tayo sa labas." yakag ko sa kanya, tumango lamang siya at nagsimulang maglakad at sumunod na ako. "Mom, tara na po" yakag ni Ehra sa Mommy niya. Nakarating na kami dito sa labas kung saan ko iniwan ang mga magulang namin. "Okay, let's go. Ayus ka lang ba anak? bakit parang malungkot ka?" nag aalalang tanong ni Tita Kendra nang mapansing walang reaksyon at tahimik lang ang anak. "I'm okay mom , gutom lang po siguro mom." "Iha anak! Congratulations!" Bati ng Mama ko kay Ehra at yumakap pa ito. "Thank you Tita, by the way po na-invite po ba kayo ni Mommy?" tanong niya na nakangiti, habang ako ay pinapanood ko lamang sila. Ang ganda nilang pagmasdan, magkakasundo sila at talagang hindi makikita mong giliw na giliw si Mama kay Ehra. Sino ba naman ang hindi makakagusto sa kanya? Maganda si Ehra, mahaba ang kanya buhok , ang hugis ng mukha ay parang isang manika at mahahaba ang pilik mata. Kahit hindi mag-lagay ng make-up ay litaw ang natural na ganda. Bukod pa doon, mabait at responsable. Marunong sa lahat ng bagay. Kahit na may maasahan siyang gagawa ay sa sarili pa rin niya siya nakadepende. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit gustong gusto siya ng Mama ko. "Anak, baka gusto mo samahan si Bernard sa byahe papunta sa resto na pupuntahan natin." alok ni Tita Kendra sa babe ko. Napatingin ako sa kanya na parang kinukumbinsi siya na umoo. "Okay mom. kita kita na lang po tayo doon." napapangiti siya habang napapailing. "Oh siya sige. Mag-iingat ha, Bernard please drive safely." "I will po tita. See you there" sagot ko kay Tita Kendra. "Mama, Papa alis na po kami. See you there, ingat po kayo." paalam ko sa magulang ko at sabay sang-ayon naman nila. Tahimik lang kami habang naglalakad papunta sa aking kotse. Parehas kaming tahimik na tila nagpapakiramdam kung sino ang unang magsasalita. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko sa my passenger seat para makasakay na siya. "Thank you." napangiti ako at umikot na ako sa kotse ko para ako naman makasakay sa driver's seat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD