Ehra Miera Cruz
Tahimik lang kaming dalawa ngayon dito sa kotse niya habang binabaybay namin ang daan papunta sa resto na pupuntahan namin. Nakatingin lamang ako ngayon sa bintana at kagat ko ng bahagya ang aking kuko sa hinlalaki.
"Mukang malalim ang iniisip ng baby ko hmm". Basag niya sa katahimikan naming dalawa. Tumigil kami dahil nagpula ang traffic light kinuha niya ang aking kaliwang kamay at hinalikan niya ang likod ng aking mga palad. Napangiti ako at nang maalala kong hindi ko pa siya nabati ay humawak naman ako sa kanyang pisngi gamit ang isang kamat at pinagalaw ang aking hinlalaki.
"Congratulations babe!" malambing kong tugon sa kanya.
Humalik naman siya sa akin noo at doon ako napapikit saglit.
"Congratulations baby ko, finally we're done! at mkakalayo ka na kay Aliza." Natagilan ako at humiwalay sa kanya na siya naman pinag-taka.
"Why? bakit parang hindi ka masaya?" himig niya nang may halong pag-aalala.
Umiling ako at tipid na ngumiti.
"I'm happy babe."
Muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa daan dahil nag-kulay berde na ang traffic light at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
Welcome! Ma'am and Sir!
Bati sa amin ng mga staff ng restaurant. Andito na kami at sakto naman na kadadating lang rin ng mga magulang namin.
"Reservation of Mrs. Cruz please" sabi ni Burn at tumango naman ang staff na kaharap namin.
"This way Sir."
Sinundan namin ang staff at doon na kami naupo at nagsimulang tumingin sa Menu na binigay ng staff.
Nang mabigay na namin ang aming mga orders ay saglit na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa na tila ba nagpapakiramdaman. Samantalang ang mga magulang namin ay masaya namang nag-uusap usap.
"What happened earlier?" bahagya akong nagulat ng bigla siyang nagsalita. Diretso ang kanyang mga kilay at nakaramdam naman ako ng kaba.
"Ano ginawa sayo ni Aliza?" magsasalita na sana ako pero nasundan na rin agad niya ng tanong.
"Why she's bothering you always?"
"Burn, hayaan mo na wala naman yon nakulong lang kami sa loob ng C.R" pagsisinungaling ko pero hindi nakaligtas sa kanya ang pagbuntong hininga ko.
"Narinig ko kung ano ang nanyari sa loob, pati un sampal." Himig niyang may pag aalala at hinawakan saglit ang pisngi kong nasaktan kanina.
"Ayyy you two are so sweet, parang may something na hindi kami nalalaman huh."
Himig ng mama niya.
Nakaramdam ako ng pag-iinit sa aking pisnge dahil napansin na pala kami ng aming mga magulang.
"Mama, I'm just concern to her" pagtatanggol naman niya.
"Okay son, i like seeing you two like that! talagang bagay na bagay kayo." Muling pangangantiyaw ni Tita Alice sa aming talaga.
Napangiti na lang kami.
"Mama really likes you, talagang boto siya sayo" bulong niya sa akin habang nakatingin kami sa mga pagkain na ibinababa ng mga crew.
"Okay, Let's eat and enjoy the foods!"
Sabi ng mommy ko.
Habang kumakain kaming anim ay nag-uusap na rin kami. Iba't-ibang mga topic pero mostly sa business.
"Anak, Ehra why don't you like to invite Burn sa Barcelona?" Tanong na mommy ko.
"Ikaw Burn iho? do you have plans for this break?" Sasagot pa lang sana ako pero sinalo na ni Bernard ang tanong.
'Wala pa po Tita, my friends inviting me but it's like I'm not interested." Sagot niya.
"Ohh it's sounds like your going with my unica ija ha!" napatingin pa sa akin na may halong pang aasar ang aking ina. Naramdaman ko na lang ang init sa aking mukha dahil sa hiya.
"Well tita if it's Okay to Ehra I can go with her."
"But mommy it's too expensive kung sa Barcelona." Sabat ko sa usapan nila, at kinagulat ng mommy ko dahil akala niya ay go na ako sa out of the country ang gusto ko.
"B-but sweetheart I thought you want to go there? And where you want to go instead?" tanong ng mommy ko.
"Well I've decided na sa Batanes na lang ako pupunta for this break." Kitang kita ko ang gulat sa aking mga magulang ganon din sin Bernard at pati mga magulang niya. Ang buong akala kase niya ay sa Palawan ang gusto ko. Well Oo , gusto ko talaga doon, pero nagbago ang isip ko dahil sa dumadagsa na roon ang maraming turista at sa tingen ko ay hindi ko ma-eenjoy ang bakasyon na yon, kaya Batanes ang napili ko bukod sa maganda roon at lingid naman sa kaalaman ng nakakarami ay tahimik at payapa doon, ganon ang gusto kong puntahan.
"Okay, if that's what you want okay then book a flight as soon as possible!" sabi ng mommy ko ng walang halong pag-aalinlangan. That's why i love my mom so much!
"How about you anak? Are you interested to go on Batanes also?" Biglang tanong ni Tita Alice na nakaagaw pansin sa amin.
"Yes Mama" Sagot ni Bernard na walang pagdadalawang isip
"Okay! then sabay na kayo mag-book ng flight." sabi ng mommy ko at tinanguan ko na lang ito.
Natapos ang aming hapunan, masaya kaming nagkwentuhan tungkol sa mga future plans at kahit ang tungkol sa pakikipagrelasyon ay na open rin sa usapan. Mabuti na lamang at hindi na sila nagtanong pa tungkol sa bagay na iyon.
Ngayon ay nandito kami sa balcony ng restaurant. Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat. Namalayan ko na lang na may nagpatong ng coat sa aking balikat at hindi na ako nagulat na si Bernard iyon.
"Bored?" tanong niya sa akin at tumabi pumwesto siya sa aking tabi.
"Mukhang malalim ang iniisip ng baby ko ha." Sabi niya sa akin na ikinalingon ko naman sa kanya.
"I'm just thinking, when was the right date para magpunta sa Batanes."
"Oh! I think it's much better kung aalis rin tayo kasabay ng pagpunta nila Aliza sa Bora! para siguradong hindi nila tayo masusundan." Napatawa naman ako sa sinasbi niya ang tono niya ay talagang naniniguradong walang magiging istorbo sa bakasyon namin.
"And how would you tell to your friends that you're not going with them?" tanong ko sa kanya dahil alam kong hindi papayag sila CM na hindi siya sasama sa kanila.
"Well, I'll book ticket to Boracay same with their flight."
"W-what? I think that's not good Idea babe." pag kontra ko sa kanya.
"Well, gusto ko lang maniwala sila na sasama ako, Pagtapos non kapag may flight na kami, pwede natin kunin yung chance na makapunta tayo sa Batanes" napatigil siya sandali at humarap sa akin.
"I can rent a private plane para lang makapag solo tayo."
Seryoso ang mga tingin niya sa akin. Sigurado akong siya ang masusunod sa bagay na ito dahil ipipilit niya iyon, nag buntong hininga na lamang ako tanda ng pag sang-ayon sa kagustuhan niya.