Bernard Matthews Mendoza
Nakaalis na si Ehra at habang ako ay papunta sa aking kotse ay nagring ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at nakita kong si CM ang tumatawag.
"Dude"
"Oh napatawag ka?"
"Now I know, bakit binubully ni Aliza si Ehra!" nakaagaw pansin sa akin, dahil ang totoo hanggang ngayon ay inaalam ko ang dahilan kung bakit binubully ng grupo ni Aliza ang babaeng mahal ko.
"Why?"
" Dude, dahil sayo! I can't believe this! narinig ko sila ng grupo nila , pinag uusapan ka nila at si Ehra".
"At ano naman yon dude?bakit?."
"Dude, Aliza really loves you! and also Ehra! whoah! pogi mo talaga dalawang babae pinag aagawan ka!" napangiwi ako sa narinig ko.
"Dude narinig ko, naghihinala siya na may girlfriend ka na." natatawang sabi niya na nakapagkunot ng noo ko. Alam ko naman na may gusto rin sa akin si Aliza at sinamantala ko iyon para maging girlfriend ko si Ehra. Alam kong naging masama ang epekto nito. Dahilan na rin kung bakit lagi akong nasa paligid lang ni Ehra ng hindi niya nalalaman.
"Obvious naman kase yan si Aliza , pero ayoko talaga ng ugali niya at isa pa wala akong girlfriend" napabuntong hininga ako dahil sa huling sinabi ko.
"W-what? what's the meaning of that ? e diba nkipagdate ka sa kanya before?" nagtatakang tanong niya.
"Oo dude! gusto ko lang siya makilala pero hindi ibig sabihin non ay nililigawan ko na siya" hindi nila alam ang totoong purpose ko kung bakit ako nakipag-date kay Aliza.
"Ohh I see, siguro may ugali talaga siya pero you know what she's beautiful and hot chicks, bakit hindi na lang siya. Oh common dude don't tell me hindi ka attracted kay Aliza, I know you huh!"
"Hindi talaga!" madiin kong sabi sa kanya.
"Sige na dude! magdrive na ako!Bye!" pinatay ko ang tawag at sumakay na ako sa aking kotse.
Habang palabas ako ng campus ay nakita ko si Aliza, nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Andito pa rin sila sa loob ng Campus at mukhang wala pang balak umuwi kahit malapit ng gumabi.
"Hi Aliza," napapitlag siya ng marinig niya ako.
"H-hello Burn, k-kmusta?" nauutal niya pang tanong sa akin. Ngumiti ako sa kanya "I'm good Aliza, and you?." tanong ko sa kanya. Nakikita ko sa reaksyon niya na kinikilig siya , kaya sinamantala ko nang anyayahan siyang lumabas.
"Can I go a date with you Aliza?" napaawang ang bibig niya na halata ang kanyang pagkagulat.
"R-really? you asking for a date?" tanong niya sa akin at tumango ako.
"Yes, let's go for a dinner tonight, if you are free?"
Ngayon ay andito kami sa restaurant kung saan kami kakain ng dinner.
"So, why you invited me a date huh Burn" nakangiting sabi niya habang hawak ang kopitang may laman na wine.
"Well, I just wanted to know you more Aliza" tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Really? ano ba ang gusto mong malaman tungkol sa akin?" panimula niya.
"Kahit ano , basta tungkol sayo" napangiti siya at napakagat labi.
Habang kumakaen kami ng aming inorder na pagkain ay nag-usap kami ng tungkol sa isa't isa. Hanggang sa nabanggit niya si Ehra na nakapag igting ng panga ko at pagkuyom ng mga kamao dahil hindi ko gusto ang sinasabi niya tungkol sa babaeng mahal ko.
"You know Burn, si Ehra right? she's really like you at ayokong pakalat kalat siya sa paligid mo." Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"She's really obsess with you , and it's really obvious, everytime na makikita ko siya ay palagi siya nakatulala sayo and it makes me mad!" saglit siya napatigil at uminom ng kanyang wine.
"Pakiramdam ko, siya ang pinakamalala kong karibal sayo" tumingin siya sa akin at ngumiti.
"You know ,i want to say this to you Bernard!" napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Ano yon Aliza?" napansin ko ang pagbuntong hininga niya na parang kumukuha ng lakas ng loob sa sasabihin niya sa akin.
"I really like you Burn, sana naman itong paglabas natin ay hindi ito ang huli" ngumiti siya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Do you like me Burn? tanong niya sa akin. Sandali akong natahimik at huminga ng malalim para sagutin ang tanong niya.
"I just want to know you more Aliza, but it doesn't mean i like you." ngumiti ako sa kanya "let's see Aliza, you know I just want to be honest. I hope you're not expecting too much."
Natigilan siya dahil sa sinabi ko at bumitaw sa mga kamay ko.
"O-okay Burn, Sabi nga nila don't make it rush hehehe" napapangiwi niya sabi habang nakangiti na para siyang napahiya. Sandali kami tahimik habang kumakain.
"Ano ba ang tipo mo sa isang babae Burn?" tanong niya sa akin.
"Just simple girl and kind hearted person, Aliza".
"What a about the looks?" her another question.
"Well , I don't like the idea of hot looks, simpleng babae lang ang gusto ko. A woman who is respected in many other things" saglit siyang natigilan at tinignan ang kanyang sarili. Mukang disappointed siya sa sarili niya nang makita ko na parang hindi maipinta ang kanya mukha .
Aliza Ferrer , sabi ko sa isip ko.
Kapag talagang may ginawa siya kay Ehra ako ang makakalaban niya. Ilang taon na kaming nagtitiis na parang nagtatago sa kaaway dahil sa kanya.
Kapag nalaman kong hindi lang pangbubully ang dahilan ni Ehra kung nasa ganito kaming sitwasyon ay sisiguraduhin kong matatapos na ang pagtitiis ni Ehra sa ugali niya.
Nakababa ba ako ng aking kotse pagkatapos ko ito iparada sa garahe namin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ehra. Nakaka ilang ring na ay hindi pa rin siya sumasagot kaya nagtipa nalang ako ng aking mensahe.
Still driving baby?
Pagpasok ko sa bahay namin ay nakita ko si Mama, lumapit ako at humalik sa kanyang pisngi.
"Ma, I'm home"
"Oh, anak , kmusta ang araw mo?"
"It's fine Mama, medyo busy lang po, malapit na kase ang graduation at marami kaming tinatapos na dapat namin i-submit" sagot ko sa mama ko. Tumango tango lang siya.
"By the way, speaking of graduation. Do you have plans after that? you know a vacation or whatever you want?" Hindi pa alam ng mga magulang namin ang relasyon namin ni Ehra, pero alam kong matutuwa ang mama ko kapag nalaman niyang si Ehra ang nobya ko.
"You know ,I heard that Ehra is going to Barcelona after graduation"
I know Mama sabi ko sa isip ko.
"Do you want to go with her son?" humawak siya sa braso ko na parang kinukumbinse niya ako.
"If its okay with her Mama ,okay I'll go" napangiti siya.
"Okay son, ako na bahala magsabi sa Mommy ni Ehra". Ngingiti ngiti siya at lumakad papunta sa aming garden. Ang mama ko, gusto niya si Ehra para sa akin dahil alam niya magiging okay ako sa piling ni Ehra.
Pumunta ba ako sa aking kwarto at narinig ko ang pag-ring ng aking cellphone at nakita kong si Ehra ang tumatawag.
"Hello baby"
"Babe, sorry ngayun lang ako nakarating dito sa bahay kaya hindi ko nasagot ang tawag mo" napangiti ako dahil nagpapaliwanag siya nang hind naman kailangan.
"Baby, don't explain. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa, kararating ko lang , natagalan kase ako sa daan dahil nagpalit ako ng gulong ng kotse ko na-flat kase" nagulat ako sa sinabi niya.
"Bakit hindi mo ako tinawagan? para sana napuntahan kita" tanong ko sa kanya.
"Babe Okay lang, kaya ko naman magpalit ng gulong no!" nangiti ako sa sinabi niya, kahit kailan talaga napakamadiskarte niya na isa sa mga dahilan kung bakit ko siya minamahal.
"At tsaka , I'm home na! wag ka na mag alala huh! nakauwe naman akong ligtas" agad niyang depensa para hindi ko na siya pagalitan.
"May magagawa pa ba ako baby? But next time tatawagan mo ako ha, para ako na ang gagawa para sayo."
"Okay babe! next time I'll call you, see you tomorrow"
"Okay baby. I love you. Kumaen kana ha and please take a rest."
"I love you more babe. Ikaw rin huwag magpapalipas huh! Bye babe. I'll call you later."
"Bye Baby."