Chapter 28 Miss “Raven, sorry.” Halos marinig ko na `yong puso ko sa lakas ng kabog no’n. `Di ko mabasa `yong reaksyon ni Raven. Kahit na kalmado siya at nagagawa pa niyang batiin lahat ng bisita na nandito, pakiramdam ko, tinatago niya `yong totoong reaksyon niya sa narinig niya ro’n sa pinsan niyang si Pennie… Sure akong narinig niya `yon kanina. `Di lang niya nilalabas `yong reaksyon niya dahil na rin siguro, nasa party kami at ayaw niyang gumawa ng eksena… pero sure rin akong `di `yon gagawin ni Raven. `Di siya eskandalosong tao. Sa kanina ko pang pagso-sorry sa kaniya nang pabulong, wala pa rin siyang sinasabi pabalik do’n. Kulang na lang, sasabog na ako sa frustration dahil ang tahimik niya. Napatigil ako sa paglalakad no’ng siy

