Chapter 07

1469 Words
NAKATINGIN lang ako sa kawalan ng biglang may kumatok sa bahay. Dahil mahiyain ako ay pinabukas ko kay Chiqui iyong pinto. Pagbukas ni Chiqui ay isang pamilyar na tao ang pumasok sa loob. “M-marcus? Anong ginagawa mo dito?!” bigla akong napatayo sa pagkakahilata ko. Naalala ko na naka-pekpek shorts lang ako kaya nagmamadali akong humablot ng twalya at binalabal ko sa pang-ibaba ko. “Don't mind covering that. Wala namang epekto sa akin iyan.” sabi ni Marcus. Aba at nang-asar pa. "I am here para ipaalala sa iyo about sa utang na kailangan mong bayaran, remember!" “Hoy teka! Anong utang-utang iyan, ha?!” eksaheradang sabat ni Chiqui. “Wag ka ngang makisali bakla!” pagkasabi ko noon ay hinarap ko na si Marcus. “Hindi ko nakakalimutan iyon, ano! Ang itinatanong ko ay kung bakit ka andito? Sinusundan mo ba ako?” “Stop dreaming Barbara. Kailangan ko ng alalay. Magsha-shopping ako ngayon.” “Magsha-shopping ka lang kailangan mo pa ng julalay?!” Hindi ko makapaniwalang protesta. Pinanlakihan niya ako ng mata. “Ano bang pakialam mo? Alalay na kita diba? So you must do what I want!” Nagulat na lang ako ng biglang nanguyapit na parang koala bear si Chiqui sa leeg ni Marcus. “Ako na lang ang gawin mong alalay pogi. I'll do whatever you want. I will clean your house. I can wash the dishes and do your homeworks. I can also bark whenever there is a stranger outside the house!” “Ilayo mo nga sa akin to Barbara!” Maluha-luha si Marcus sa baho ng hininga ni Chiqui. Hinila ko sa bangs niya si Chiqui. “Lumayo ka nga diyan bakla! Doon ka sa labas! Shoo! Shoo!” Pagtataboy ko kay Chiqui at lumabas naman ito at doon ko na hinarap si Marcus. “Pasensiya ka na kay Chiqui. May naka-inplant kasing tear gas sa bunganga noon kaya nakakaluha ang hininga!” Pinahid ni Marcus ang naluluha niyang mata. “Whoa! Ang intense nun! Anyway, magbihis ka na at aalis na tayo.” “OK!” Padabog na pagsang-ayon ko. PAWISAN na ako. Kahit naka-aircon sa mall ay tagaktak pa rin ako ng pawis. Paano ba naman, ako lahat ang pinagdala ni Marcus ng mga pinamimili niya. Halos matabunan na nga ako ng paper bags! Nakapagtataka lang kasi puro gamit ng babae ang binibili niya. Bags, perfume, shoes, dress and accessories. Hindi naman kaya bading ang Marcus na ito? Sayang at gwapo pa naman siya. Tsk. Tsk! “Hoy Marcus! Pwedeng magpahinga?” “OK. Five minutes!” aniya. Pagkasabi niya noon ay isa-isa kong ibinaba ang mga dala kong paper bags. “Nakakapagod naman. Bakit ba puro pambabae ang pinagbibili mo? Bakla ka ba?” walang preno kong tanong. Tinignan niya ako ng masama. “Kung wala kang matinong sasabihin. Just shut your mouth. And besides, its all your fault kung bakit ko kailangang gawin ang lahat ng ito.” “Ha? Ako na naman?” “Who else? Sinira mo ang surprise ko kay Georgina. I was about to propose to her when you ate that-- " Natigilan siya. "Oo nga pala. Where's my ring?” Napakamot ako. “Hindi pa ako najebs eh. Kalma ka lang, okey?” “Oo nga pala. Dito ka lang. Punta lang ako ng CR.” At umalis na siya. Gwapo nga, masungit naman. Bagay nga sila ng jowa niyang maarte! Patingin-tingin ako sa mga tao ng may kumalabit sa akin. Isang matandang mukhang hukluban. Mahaba ang kanyang buhok na halos kulay puti na lahat. “Ineng...” aniya sabay kalabit pa niya sa akin. “Wag niyo na po akong kalabitin lola. Nakalingon na po ako sa inyo oh,” sabay smile ako. Dumukot ako ng barya sa bulsa ko. "Oh, eto pa. Wag po kayo dito sa mall. Malamig. Baka magkatubig ang baga niyo. Uwi na po kayo lola...” Itinapon ng lola iyong baryang binigay ko sa sahig. Nagalit ako siyempre. “Ay! OA kayo lola ha! Ayaw niyo ng barya? Anong gusto nyo? One million?! Kayo na nga ang binibigyan eh chossy pa kayo!” “Hindi ko kailangan ang barya mo!” sabi niya sa akin. “Eh di wag! Lubayan niyo na ako. Baka di niyo naitatanong, pumapatol ako sa matanda!” “Huminahon ka ineng. Kalamayin mo ang loob mo!” “Eh paano naman kasi ako kakalma eh ang—“ Biglang pumalakpak ang matanda at bigla-bigla rin ay parang nakaramdam ako ng kaginhawaan. Parang ang bait-bait ko, ganun. “Sige po lola. Kakalma na ako.” “Matagal na akong nakasubaybay sa iyo Barbara. Ako ay si Matandang Hukluban at isa akong fallen angel!” Napatawa ako. “Weh? Ikaw po? Fallen angel? Mukhang napalakas yata ang bagsak niyo mula sa langit at nauna pa ang mukha niyo.” “Maniwala ka. Isa akong fallen angel...” “O siya, naniniwala na akong isa nga po kayong fallen angel. At naniniwala na rin ako na tutubuan pa ng buhok si PNoy.” Nagpapadyak si Matandang Hukluban. “Totoo ineng. Isa akong napakagandang anghel noon. Pinarusahan lang ako ni Bro kaya ginawa niya akong matanda. Nakagawa kasi ako ng bad sa itaas. Siyempre may paraan naman para makabalik ako sa dati kong anyo—“ “Wala po akong time para makinig sa inyo—“ Pumalakpak bigla si Matandang Hukluban at biglang huminto lahat ng tao na nasa paligid namin! Wow! “Paano niyo nagawa iyon?” Proud na proud na sumagot si Matandang Hukluban. “I told you, i'm an angel.” “Diyos ko! Pagalawin mo na sila baka mangalay ang mga iyan!” Isang palakpak lang niya at gumalaw na ulit ang mga tao. “Yan, napagalaw ko na sila. Teka, ano ba iyong sinasabi ko sa iyo kanina? Nakalimutan ko eh!” Napakamot ako sa ulo. “Nakalimutan ko na rin Matandang Hukluban.” “Ikaw kasi! Nagsasalita ako tapos sasabat-sabat ka. Nakalimutan ko tuloy.” Nag-isip siya talaga. “Ah! Alam ko na. Iyong paraan para makabalik ako sa pagiging anghel.” “Ah...Yun nga! Ano nga bang paraan iyon?” curious na tanong ko. “Kailangan kong makagawa ng isang kabutihan dito sa lupa. At ikaw Barbara ang aking subject.” “Ako?” “Ay hindi! Sila. Kasasabi ko nga lang na ikaw diba?” Bigla akong nabuhayan ng loob. “Naku! Salamat Matandang Hukluban. Hindi na ba ako mamamatay after three years?” “Hindi ako Diyos!” Mabilis na sagot niya. “Mamamatay ka pa rin after three years pero ang gusto ko ay maging masaya ka sa natitirang araw mo sa mundo!” Bigla akong naging emosyonal. “Paano ako magiging masaya kung mamamatay na ako? Mas gugustuhin kong mamatay na lang ako ngayon! Magpapakamatay na ako!” sagot ko at akmang tatalon na ako mula sa third floor ng malla ng pigilan ako ni Matandang Hukluban. “Wag kang magpapakamatay! Ito ang susi para sa iyong kaligayahan. Ang MAGIC RED LIPSTICK!” Natigilan ako sa akmang pagpapatihulog. “Anong gagawin ko diyan? Magpapaganda? Maganda na ako noh! Saka marami ako niyan sa bahay. Iba-iba pa ang kulay.” Inabot niya sa akin iyong lipstick. Maganda at kakaiba ang design niya, infairness! “Hindi iyan basta-basta lipstick lang dahil iyan ay MAGIC RED LIPSTICK! Capslock para dama mo!” “Paano naman ito naging magic eh mukha naman itong ewan!” “Patapusin mo muna ako, pwede?” “OK. Sige na! Explain.” Umubo muna si Matandang Hukluban to clear her throat. Naks! “Ganito kasi iyan. Kapag inapply mo itong MAGIC RED LIPSTICK sa labi mo ay magiging bata ka ulit Barbara! Mahahati ang edad mo sa kalahati.” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “Ibig sabihin magiging 16 years old ulit ako?!” “Oo! Basta pagkatapos mo siyang i-apply. Bibigkasin mo ang magic word!” “Ay, may magic word pa? Ano naman iyon?” “Ganito oh...Gaganda...Kikinis...Babata...” sabi ni Matandang Hukluban na ang tono ng boses niya ay iyong parang boses ni Mother Ricky Reyes sa isang shampoo commercial noon. Napahawak ako sa dibdib. "Ganoon talaga ang tono? Parang si Ricky Reyes dapat?!" “Ganun dapat! Pero oras na mabura sa labi mo ang lipstick, babalik ka na ulit sa pagiging 34 years old! O sige...Magpapaalam na ako at I can feel it na parating na ang kasama mong lalaki!” at nagmamadaling umeskapo si Matandang Hukluban. Dali-dali pa talaga siyang sumakay ng escalator. Akala ko ba may magic siya? Dapat naglaho na lang siya na parang bula! Hindi nga nagkamali si Matandang Hukluban dahil ilang segundo lang ay nandiyan na si Marcus. Umuwi na rin kami pagkatapos. Grabe, pag-uwi ko, nagbabasa pa rin ng School Trip si Chiqui! Ang bagal talagang magbasa ng baklang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD