HINDI nawawala sa isip ni Joseph ang batang si Gerlyn na nakilala niya sa Singapore. Kahit sa pagtulog niya ay nakikita niya ang napakagandang mukha ng bata. Hindi maintindihan ni Joseph kung bakit ganon na lang siya na-aapektuhan sa batang iyon. Bumangon si Joseph at binuksan ang bintana ng kanyang kuwarto. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin, dahil parang nasasakal ang pakiramdam niya. Pagbukas niya ng bintana ay bilang pumasok sa loob ng kuwarto ang malakas na hangin. Pumikit siya at dinama ang malamig na simoy ng hangin sa hatinggabi. Nere-relax ang pakiramdam niya, dahil sa sariwang hangin na tumatama sa kanyang mukha. Muli siyang nagmulat ng mata at tumingin siya sa kalangitan at nakita niya ang napakaraming stars. Maaliwalas ang kalangitan at walang ulap na makikita, mali

