KUALA LUMPUR, MALAYSIA... "Sigurado ka!?" malakas ang boses ni Bianca na tanong sa taong kausap niya sa kabilang linya. Nasa mukha rin niya ang ang tila pananabik sa isang bagay, at tila hindi makahintay na makamit ito. Magkakasunod siyang humitit ng sigarilyo, saka niya ibinuga sa bukas na bintana, bago niya ito inilublob sa ashtray. Inip na inip din siyang naghintay ng isasagot sa kanya ng taong kausap. "Sigurado ako, Ma'am, nakita ko siyang pumasok sa loob. Ang hindi ko lang masiguro ay kung sinong babae ang pinuntahan niya sa hospital." muling sagot ng lalaking kausap niya. "Sige, ipagpatuloy niyo ang pagsunod sa kanya. Bantayan niyo lahat ng galaw niya. Gusto ko, pagbalik ko diyan, ako mismo ang makahuli sa kanya." utos niya sa kausap, saka pin@t@y ang tawag. Muling usinara ni

