WALANG nagawa si Bianca, kung hindi ang mag-park sa parking lot ng kompanya. Minaneho niya ang kotse palabas sa gate, para umikot sa entrance at muling pumasok. Ngunit kailangan muna niyang baybayin ang main road, saka siya babalik sa kabilang lane para makapasok sa main gate. Inis na inis si Bianca, dahil sa abala na dulot sa kanya ng security guard. Inis na inis siya rito, dahil sa hindi pagtrato sa kanya ng katulad nang dati. Noon ay halos yumuko ang mga tauhan ng kompanya sa kanya kapag nakita siyang dumating. Pero ngayon ay parang hindi na siya kilala ng mga ito. Pagdating niya sa parking lot ay muli na naman siyang napamura, dahil may harang ang dalawang reseved parking space na dating parking lot para sa mga magulang. Wala din bakante sa malapit, kaya nag-drive siya patungo sa pi

