PAGDATING ng mga order naming foods ay muli akong binuhat ni Joseph at ipina-upo sa wheel chair, saka niya ako dinala sa harap ng lamesa. Naglalagay naman ng mga plato at kutsara si Nanay, habang panay ang tingin niya sa malaking TV. May pinapanuod siyang Teleserye at halos hindi niya ito maiwan. Nagising din si Gerlyn, kaya mabilis siyang nilapitan ni Joseph at binuhat patungo sa banyo. Mula pa kaninang umaga ay si Joseph na ang umaasikaso sa aming mag-ina. Parang hindi siya napapagod sa kanyang ginagawang pag aalaga sa amin. Nakikita ko rin ang saya sa kanyang mukha, habang ginagawa ang mga iyon. Hindi ko alam kung mahihiya ako o kikiligin, dahil sa mga ginagawa niya sa amin ni Gerlyn. Pero iisa lang ang nasisiguro ko sa aking sarili. Kinikilig ako, at bumibilis ang tiɓøk ng puso k

