JOSEPH'S P0V... HINDI ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako nasasaktan habang pinapanuod ko si Thalyn sa kanyang kalagayan. Hindi ko siya kilala, at sigurado rin ako na hindi pa kami nag-uusap ng personal. Ngunit ang dibdib ko ay naninikip, dahil sa awa sa kanya. Parang gusto ko siyang lapitan at yakapin. Pero paano ko naman gagawin iyon sa isang babae na hindi ko kaano-ano. Baka magalit pa siya sa akin at sampalin ako, kung basta ko na lang siyang yayakapin. Hindi ko rin maunawaan ang sarili ko, kung bakit ako interisadong pakinggan ang usapan nila ni Ate Eve. Parang may nag uudyok sa akin na pakinggan ko ang bawat katagang bibitawan niya. Kaya ng marinig ko ang sinabi niyang patay na ang asawa niya ay parang ako ang nasasaktan para sa kanya. Bumalik ako sa lounge area, dahil p

