Auckland, New Zealand THALYN'S POV.... IT'S BEEN FIVE YEARS and eight months, simula ng dumating ako dito sa New Zealand. Kung dati ay ayaw kung lumayo sa mga magulang ko, dahil natatakot akong mag-isa. Ngayon naman ay halos ayaw ko nang bumalik sa Pilipinas, dahil nandito na ang buhay ko. Ang pinsan kong si Ate Rowena ang tumulong sa akin na makarating dito sa Auckland. Nakapag asawa siya ng New Zealander at nagkaroon ng mga negosyo dito. Kinuha niya ako dito para maging casher sa kanilang Bakeshop. Noong una ay talagang nahirapan akong mag adjust sa uri ng pamumuhay dito sa Auckland. Ibang-iba kasi ang buhay dito, kaysa sa nakasanayan ko sa Pilipinas. Pero dahil sa tulong ng pinsan ko ay madali akong nakapag adjust at natutong mabuhay kagaya ng mga New Zealanders. Mabait ang napa

