MAAGANG gumising si Joseph, para magpaluto ng mga babaonin niyang pagkain sa Hospital. Excited din siyang muling makita ang mag-ina, at makasalo ang mga ito sa agahan. Pag-uwi nila kagabi ay nagbigay na siya ng pamalengke, para sa mga lulutuin ng mga kasambahay. Maaga naman nagtungo sa palengke ang Mayordoma sa mansion ni Aaron Go, para makapamili ng mga iluluto nila. Pag uwi nila sa mansion ay agad na silang naghanda ng mga iluluto, para dalhin ni Joseph sa Hospital. "Ate, siguraduhin mong masarap na masarap ang pagkakaluto ng noodle, para magustuhan ni Gerlyn. Gusto kong makakain siya ng marami, para mabilis siyang gumaling at makauwi na sa bahay. Damihan niyo rin 'yong hotdogs, baka kulangin. Paborito niya yan." bilin niya sa mga kasambahay na naghahanda ng mga babaonin niya. "Opo

