"Okay ka lang ba, Thalyn? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong sa akin ni Joseph. Sinalat din niya ang noo ko, para malaman kung mainit ako. Bahagya kong inilayo ang mukha ko, para hindi niya ako mahawakan, pero nasalat pa rin niya ang noo ko. "Wala ka naman lagnat." sabi niya, matapos niyang masagi ng palad niya ang noo ko. "Ha? Ah, wala!" alanganin na sagot ko kay Joseph. "Si Gerlyn...." sabit ko, saka ako muling tumingin sa pinto ng dining room, para tingnan si Gerlyn. Nag aalala talaga ako, baka magulat ang mga magulang ni Joseph, at magalit sila sa anak ko. "Dito ka lang, susundan ko siya sa labas." tugon sa akin ni Joseph, saka ito mabilis na tumayo at sinundan si Gerlyn sa labas. Naka hinga ako ng maluwang, dahil umalis na si Joseph sa tabi ko. Ngunit hindi pa rin ako mapal

