MANILA, PHILIPPINES.... AGAD na bumiyahe pabalik sa Manila ang mag-asawa, kasama si Joseph, para puntahan si Thalyn sa Hospital. Madaling araw ang nakuha nilang flight, kaya bago mag umaga ay nakalapag na ang eroplanong sinakyan nila sa Manila Internation Airport. Sinalubong naman sila ng Driver ni Aaron Go sa Airport. Umuwi muna sila sa Mansion, para magpahinga sandali. Bago magtanghalian ay muling umalis ang tatlo, at nagtungo sa Don Albert's Medical Centre na pag-aari ni Nathan Del Valle. Magkahawak kamay sina Eve at Aaron na naglakad papasok sa Lobby ng Hospital. Nakasunod naman sa kanila si Joseph. Palinga-linga ito sa loob ng Hospital, habang naglalakad siya kasunod ng mag-asawa. Napapatingin naman sa kanila ang mga taong nadadaanan nila. Pati ang mga Nurse ay humahanga dahil s

