JOSEPH'S POV..... MASAYA kaming naglalaro ng basketball ng anak ko dito sa garden. Mamayang hapon pa ang pasok niya sa school, kaya may time pa kaming maglaro bago ako pumasok sa opisina. Nakabantay naman sa amin sina Nanay at ang Yaya ng anak ko na si Che-che. Alagang-alaga nila si Joshua, at halos ayaw nilang mabasa ng pawis ang anak ko. Tawa ng tawa si Joshua, habang deni-dribble ko ang bola. Tinangkang agawin sa akin ng anak ko ang bola, pero mabilis ko itong iniwas sa kanya. "Daddy, I want to play." sambit sa akin ni Joshua, habang hinahabol niya ako. Tumigil ako sa pagtakbo, para pagbigyan ang anak ko na maka score. "Okay, son, your turn." saad ko kay Joshua, saka ko ipinasa sa kanya ang bola. Alam kong kayang-kaya niyang mag-shot ng bola, dahil mababa lang naman ang ginawa k

