"Aah! Why did you throw my food at me?" tumutili na tanong ni Bianca. "What's your problem, Joseph, and why are you taking it out on me?" tanong niya sa lalaki. Tumayo si Bianca at pinampag ang damit na natapunan ng pagkain. Inis na inis siya sa nangyari sa kanya, dahil nalagyan ng mantsa ang bago niyang Dolce and Gabbana shirt. Napakamahal pa naman ng pagkakabili niya nito sa Singapore. Parang nagpanting naman ang tainga ni Joseph, dahil sa tanong ni Bianca. Alam ng lalaki na hindi tumatanggap ng pagkatalo si Bianca, kaya nagmamaang-maangan ito na hindi niya alam ang dahilan kung bakit nagawa iyon ni Joseph sa kanya. Lalong nag init ang ulo ni Joseph, dahil sa sinabi ng babae. "Problem?! You're the problem, Bianca." nanlalaki ang mata na sagot niya sa babae. Parang gusto niyang pagbuh

