THALYN'S POV.... HINDI ko matanggap na nasa bingit ng kamatayan ang anak ko. Parang dinudurog ang puso ko, habang pinagmamasdan ko siya na puno ng benda ang buo niyang katawan. Pati ang ulo niya ay balut na balut, dahil sa malaking sugat niya sa likod. May operasyon din siya sa kanang bahagi ng kanyang balikat, dahil sa bakal na tumusok sa kanya. Puro sugat ang katawan namin mag-ina, dahil sa aksidenteng nangyari. Naka semento rin ang isang kamay ng anak ko, dahil sa pagkabali ng isang braso niya. Humahagulgol ako ng iyak, habang pinagmamasdan ang aking anak na walang malay-tao, habang may mga tubo na nakakabit sa kanyang bibig at ilong. Gustong-gusto kong lapitan ang anak ko at yakapin, pero hindi rin ako makatayo, dahil nabalian din ako ng buto sa paa. Naka semento ang isa kong paa, d

