TAHIMIK na kumain ng agahan ang mag-anak na Galvez. Kapansin-pansin din kawalang ganang kumain ni Mr. Galvez, dahil sa dami nitong isipin. Nanghihinayang pa rin siya sa kanyang companya, dahil hindi na siya ang nagmamay-ari nito. Kasalo din nila sa hapagkainan si Bianca. Bumalik ang anak nila sa kanilang bahay, dahil wala na itong babalikang bahay. Nabenta na iyon ni Joseph Legaspi ang bahay na akala niya ay bahay nila ng napangasawa. Ang bahay na ilang taon niyang tinirhan at buong akala niya ay kanya iyon, ngunit hindi pala. Hindi nakapangalan kay Joseph Legaspi ang bahay at lupa, kaya wala siyang napala sa paghahabol niya sa bahay na iyon. Wala din siyang nakuha na kahit ano mula sa dating asawa, dahil wala silang properties na binili bilang conjugal property nila. Sa loob ng anim na t

