HABANG KUMAKAIN sina Thalyn at Gerlyn ay napansin ng babae ang matamlay na mukha ng anak. Hindi sanay si Thalyn na makitang malungkot ang anak, kaya sinubukan niya itong kausapin, para aliwin ang anak. "Why you look so sad, sweetie?" tanong ni Thalyn sa anak, saka niya hinawakan ang baba ng bata. "Finish your lunch, then I'll give an hour to play on my phone." sabi niya sa anak, para matuwa ito. "Mommy, can we call my Daddy?" sagot ni Gerlyn sa ina. Parang maiiyak ito, dahil sa kagustuhang makausap ang ama at matawag itong "Daddy." Napatigil sa pagnguya si Thalyn, dahil sa tanong ng anak. Tiningnan niya si Gerlyn na may kasamang pagkahabag sa mahal na anak. Nakita ni Thalyn, mula sa mga mata ng bata ang matinding pangungulila sa ama. Parang nagmamakaawa ang mga titig nito at sa kanya at

