THALYN'S POV.... NAGTAGO ako sa likod ng isang wall sa loob ng restaurant kung saan kami kakain ni Gerlyn. Hindi ko inaasahan na dito sa Singapore ko muling makikita si Joseph Legaspi. Ang ama ni Gerlyn. Hinawakan ko ang aking dibdib, dahil nabibingi ako sa lakas ng aking kaba. Muntik na kaming magkita sa personal ni Joseph. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at kakausapin, kaya ako na lang ang umiwas. Hindi naman niya ako kilala, pero nag aalala pa rin ako, dahil sa lihim ko na hanggang ngayon ay hindi ko masabi-sabi sa kahit kanino. Bigla na lang kasi tumakbo si Gerlyn patungo sa Vortex, upang hawakan ang glass panel ng waterfalls. Sinabihan ko naman siya na mamaya na lang pagkatapos namin kumain, pero hindi makapaghintay ang anak ko. Habang sinusundan ko siya ay bigla kong na

