THALYN'S POV... MASAYA ako sa aking buhay dito sa New Zealand. Tahimik at malayo sa mga mapanghusgang tao sa Pilipinas. Tama lang ang naging desisyon ko noon na pumunta dito, dahil naka iwas ako sa mga marites sa amin. Sigurado ako na kapag nalaman nila noon na nabuntis ako na walang asawa ay pinag usapan na ako ng buong bayan namin. Lalo na sa baryo na walang ginawa ang mga tao kung hindi ang magkumpulan at mag-chismis. Kahit mag-isa ko lang binubuhay ang aking anak ay nakakaya ko naman na palakihin siyang mabuti at naibibigay ko sa kanya lahat ng pangangailangan niya. Nag aaral na rin si Gerlyn sa Kindergarten dito sa Auckland, New Zealand. Proud ako, dahil napakatalino ng anak ko, at sa edad niyang mahigit limang taon ay marunong na siyang magbilang at magbasa. Mahilig din siyang k

