GABI na naka uwi dito sa mansion sina Eve at Sir Aaron. Nagpaiwan daw si Joseph sa Hospital, para bantayan si Joshua, kaya hindi nila kasamang umuwi ng bahay si Joseph. Sabay-sabay pa kaming naghapunan na apat, ngunit wala naman na nababanggit si Sir Aaron, tungkol sa tanong niya sa akin kaninang umaga. Si Gerlyn naman ngayon ang inaasikaso niya ang pagkain. Halos mapuno na ng pagkain ang plato ng anak ko, kalalagay niya ng ulam. Ang anak ko naman ay tuwang-tuwa sa Daddy A, niya. Akala mo naman ay maubos niya lahat ang laman ng plato niya. Kahit papaano ay napanatag na rin ang loob ko, dahil kay Gerlyn nakatuon ang pansin niya. Dasal ko rin na sana hindi na niya maalala ang tinatanong niyang iyon. Baka tuluyan akong atakihin sa puso, kapag isinalang na naman niya ako sa hot seat. Natatako

