AARON'S POV... MALAYO pa kami sa lugar kung saan nagtatago si Morris ay kating-kati na ang palad ko na basagin ang kanyang mukha. Napakalaking pagkakamali ng Moriis na iyon na ang isa sa membro ng pamilya ko ang pinagtangkahan niyang kidnapin. Magbabayad talaga siya ng mahal, dahil sa ginawa niya. "Wala na bang ibibilis itong bulok na sasakyan ng amo mo? Bakit ang tagal nating makarating sa basurahan!?" naiinip na tanong ko sa driver ng lumang Van na ginawang ambulance. Paano kaya nila naisip na pasadong maging Ambulance ito, samantalang bulok na. Halos hindi na rin gumagana ang aircon, dahil sa kalumaan. "Malapit na tayo, Boss. Maliit lang kasi ang daan dito, Boss, kaya hindi ako makapag patakbo ng mabilis sa lugar na ito. Halos sinakop na ng mga nagtitinda sa bangketa itong kalsada,

