NAKA SUOT ng sunglasses na nagtungo sa Airport si Thalyn. Kahit anong gawing pagsaway sa kanya nila Ma'am Mheann at Ma'am Jema ay hindi niya sila pinansin.
Pinagtitinginan siya ng mga tao, dahil sa ayos niya. Midnight na pero heto siya at naka suot ng sunglasses na parang may sikat ng araw na nakakasilaw.
"Tanggalin mo nga yan Ray Ban mo, Ma'am Thalyn. Pinagtitinginan kana ng mga tao. Nakakahiya!" pagsaway sa kanya ni Mheann.
"Ayaw ko. Hayaan mo sila Ma'am Maheann, anong magagawa ko, eh, namamaga nga ang mga mata ko. Kahit nilagyan ko na ng ice at pipino, maga pa rin. Hindi ko naman p'weding ipakita sa lahat ng tao ang pamamaga nito. Anong sasabihin ko kapag may nagtanong? Sasabihin ko ba na umiyak ako ng umiyak, dahil sa isang walang kuwentang lalaki na minahal ko mula pa noong maka graduate ako ng high school. Kung alam ko lang na lolokohin lang niya ako, sana hindi ko na lang siya minahal at hindi ko na sana hinintay ng matagal. Tapos makikita ko lang siya na may kinakabayong babae. Buti na lang at hindi ako pumayag na mahalikan niya ako sa lips noon. Nakakadirili siya!" mahabang sagot ni Thalyn.
Napa iling na lang ang dalawang kasamahang teacher, dahil sa mga sinabi ni Thalyn. Naawa sila sa babae, kaya pilit na lang nila itong inunawa.
Hindi naman sila nagtagal sa Airport, dahil deretso na silang lahat sa immigration. Sasakay silang lahat sa eroplano na pag-aari ni Nathan Del Valle, patungo sa Malaysia.
Window seat ang pinili ni Thalyn na upuan, para hindi siya maabala ng ibang kasama, kapag mag C. R. ang mga ito. Kahit nasa loob na siya ng eroplano ay hindi pa rin niya tinatanggal ang sunglasses, dahil sa pamamaga ng kanyang mata.
Nakatulog si Thanlyn, dahil sa pagod nito sa pag-iyak. Nakalapag na sila sa Kuala Lumpur International Airport nang gisingin siya ng mga kasama.
Paglabas nila ng Airport ay naka abang na ang mga black Sedan na susundo sa kanila. Parepareho ang mga kotse, at ang mga driver ay naka suot ng black suit with hat.
Para silang mga celebrity na sinundo nga mamahalin na sasakyan sa Airport. Napapatingin rin ang mga tao sa kanila, dahil sa VIP Treatment sa kanila.
Sunod-sunod rin na umalis sa Airport ang mga Black Sedan na VIP Service para sa mga tourist. Pag aari ito ng mga Go, kaya madali lamang sa kanila na utusan ang mga driver nito na sunduin sila sa Airport at dalhin sa Golden Gragon Hotel na isa sa mga pag-aari ni Aaron Go sa Kuala Lumpur Malaysia.
Sa naturang hotel rin gaganapin ang kasal nina Aaron Go at Evelyn Garcia-Go, kaya doon na silang lahat tutuloy para madali sa kanila ang makapunta sa Venue.
Bukas na rin ang araw ng kasal ng kaibigan ni Thalyn, kaya pilit niyang kinakalma ang sarili, para maging maganda siya sa araw na iyon.
Pagdating niya sa hotel room ay agad siyang naligo at naglagay ng hiniwang pipino sa magkabilang mata. May mga facial mask rin siyang nakita sa loob ng drawer, kaya ginamit niya ito para ma-refresh ang mukha niya.
Matapos ma-dry ang buhok ay humiga na sa kama si Thalyn, para matulog ng kahit ilang oras lang. Nag set rin siya ng alarm, para makagising siya para sa breakfast nila ng 10 am.
Ipinangako rin niya sa sarili na kakalimutan na niya si Rocky, at hinding hindi na niya ito muling iiyakan.
*****
KINABUKASAN...
BUMABA si Thalyn sa first floor ng hotel, para sa kanilang breakfast sa Hotel Buffet. Nasa first floor ito, kaya kinailangan niyang sumakay ng elevator pababa.
Nakatayo siya at sumandal sa kaliwang bahagi sa bandang gilid ng pinto ng elevator. Malayo ang tingin niya, kahit nasa maliit lamang siyang espasyo. Wala naman siyang nakasabay, kaya mabilis ang kanyang pagbaba. Pagbukas ng elevator ay bigla siyang tumindig at biglang lumabas. Hindi niya nakita ang isang lalaki na papasok sa loob, para sumakay.
"Uuughk! Ouch!..." malakas na daing ni Thalyn, dahil nasaktan siya sa pagkakabangga niya sa matipunong dibdib ng isang lalaki. Nakaramdam din siya ng pagkahilo dahil sa lakas ng pagkaka bangga nilang dalawa ng lalaking basta na lang pumasok sa loob.
"Miss, are you alright?" agad na tanong ng lalaki sa kanya. Hinawakan din siya sa kamay upang hindi siya matumba.
"Y-Yes, I'm fine, thank you." sagot ni Thalyn, habang hinihilot ang noo na nauntog sa matigas na dibdib ng lalaki.
"Are you hurt?" nag aalalang tanong sa kanya ng lalaki.
Biglang natigilan si Thalyn, dahil sa ganda ng boses ng lalaking nasa harapan niya. Pinagmasdan rin niya ang mukha at kabuohan nito, kaya napagtanto niyang napakalaking tao nito. Malaki ang katawan na maskulado. Halatang alaga ito sa gym.
"A little bruised, but I'm okay now." nahihiyang sagot niya, habang hinahaplos ang noo na nasaktan.
"Next time, please be careful. It's safer not to wear sunglasses indoors, especially in confined spaces like elevators." saad sa kanya ng lalaki, saka ito humakbang papasok sa loob ng elevator.
Biglang naningkit ang mata ni Thalyn, dahil sa narinig.
"With all due respect, sir, perhaps you should have waited for the elevator doors to fully open before entering. I could have been injured more seriously." pasuplada niyang sabi. Inirapan din niya ang lalaki, dahil bigla siyang nainis dito. "Antipatiko, siya na nga bumangga sa 'kin, ako ang sasabihan niyang mag-iingat at huwag magsuot ng gunglasses sa loob. Kumusta naman kaya ang namamagang mga mata ko?" sabi niya sa kanyang sarili.
"I apologize if I wasn't as cautious as I should have been. I... I wasn't paying attention." paghingi ng paumanhin ng lalaki.
Nagsara na rin ang elevator, kaya umalis na lang si Thalyn sa harapan nito. Nanghahaba rin ang nguso niya, dahil sa inis niya sa lalaki.
NAGLAKAD si Thalyn, patungo sa may Hotel Lobby, para magpunta sa Buffet ng Hotel. Pagpasok ni Thalyn ay agad siyang sinalubong ng isang staff at kinuha ang kanyang room number.
Agad naman na ipinakita ni Thalyn ang kanyang Card key, kaya pinatuloy siya sa loob, at sinamahan pa siya ng staff, para dalhin siya sa table na naka laan sa kanila.
"Ma'am Thalyn, dito kana maupo, tabi tayong tatlo." pagtawag sa kanya ni Jema Mae. Naka upo ang dalawang babae sa five seater table, ngunit dadalawa lang silang magkasama na nadatnan niya.
Umupo si Thalyn sa isang silya, samantalang ang dalawang kasama ay sa pabilog na couch naka upo.
"Ma'am, what would you like to drink?" tanong sa kanya ng staff, dahil hiwalay ang hot drinks sa buffet.
"Lattè please, thank you." sagot niya.
Muling tumayo si Thalyn, para kumuha ng kanyang kakainin sa buffet table. Inikot muna ni Thalyn ang mga pagkain na naka display, bago siya kumuha ng kanyang kakainin.
MATAPOS nilang mag breakfast ay muli silang umakyat sa kani-kanilang kuwarto para maghanda para sa kasal nina Eve at Aaron Go.
Tahimik lang si Thalyn, habang ikinakasal ang kanyang bestfriend na si Eve. Sa puso't isipan ni Thalyn ay umaasa siyang mararanasan din niya ang makasal sa simbahan. Kahit hindi gaanong magarbo ang magiging kasal niya, basta mahal niya, at mahal siya ng lalaking pakakasalan niya.
Iniisip rin ni Thalyn, kung paano pa matutupad ang kanyang pangarap, gayon niloko na siya ng kasintahan. Ayaw rin niyang muling tanggapin ang lalaki, kahit magmakaawa pa ito at lumuhod sa harapan niya. Hindi na maibabalik ng lalaki ang dating tiwala na ibinigay niya rito.
MATAPOS ang kasal ay nagkaroon pa sila ng picture taking. Binuhat ni Thalyn ang anak ni Eve na si Aj, at nakipag groupie sa bagong kasal at mga kaibigan.
Na-miss rin niya si Aj, dahil mula ipinagbuntis ito ni Eve, hanggang ipanganak ay siya na ang kasama. Ilang linggo rin niyang iniyakan noon ang pag alis nina Eve at Aj, dahil isinama na sila ni Aaron Go, pabalik ng Manila.
RECEPTION...
"Ma'am Thalyn, tama na ang pag-inom ng alak, lasing kana." pagsaway ni Mheann sa dalaga.
Panay kasi ang kuha ni Thalyn sa mga alak na naka lagay sa mga baso na iniikot ng mga waiter at waitress.
Red wine lang ang pinipili ni Thalyn, ngunit malalakas naman ang alcohol ng wine, kaya mabilis siyang natamaan.
Namumungay ang mata ni Thalyn na napatingin sa kasamahang guro, dahil sa pagsaway sa kanya ng babae. Bahagyang tumaas ang pang itaas na bahagi ng kanyang labi, bago siya nagsalita.
"Hindi a-ko lasing!... Ma'am Mheann." sambit nito, at muling inubos ang laman ng baso. "Sino'ng nagsabi'ng lasing ako, ha?!" nauutal din na tanong niya sa dalawa. Pinagpalit-palit ang tingin niya sa dalawang babae, dahil hindi niya nagustuhan na sinabihan siyang lasing na.
"Marami kana kasi nainom, Ma'am Thalyn. Kaya ka namin pinipigilan. Baka hindi kana maka balik sa kuwarto mo." paliwanag ni Jema Mae. Nag aalala ang babae, dahil nasa ibang bansa sila ngayon at walang kakilala doon, maliban kay Eve na kaibigan nila.
"Ano'ng hindi makabalik? Kaya kong bumalik. Ako pa!" sagot ni Thalyn na may kasamang pagyayabang, saka siya tumayo.
"I-hatid na kita sa hotel room mo, Ma'am Thalyn, para makapahinga ka. Diba, mamamasyal tayo bukas, at iikotin natin ang buong Malaysia, habang nandito tayo. Libre din ang sasakyan natin, kaya kailangan mong magpahinga ng maaga." pag kombinsi ni Jema Mae sa kaibigan.
"Huwag mo na akong ihatid, Ma'am Jema! Kaya ko ang sarili ko." sagot ng dalaga. Humakbang siya at nagsimulang maglakad, ngunit napahawak siya sa likod ng upuan, dahil tila umiikot ang buong paligid sa paningin niya. Napa kurap-kurap pa siya, para kalmahin ang sarili.
"Samahan na kita, Ma'am Thalyn, baka kung saan ka pa mapunta. Isipin mo, wala tayo sa sariling bansa natin, dito tayo sa Malaysia at walang kakilala." pabulong na wika ni Mheann. Talagang nag-aalala siya sa kaibigan, dahil sa dami nitong nainom.
"Sige, pero hanggang sa elevator mo lang ako ihatid, Ma'am Mhe-ann. Kaya kong bumalik sa kuwarto ko mag-isa." sagot ni Thalyn at muli na naman naglakad.
"Okay, Ma'am Thalyn, sasamahan kita hanggang sa elevator." sagot ng babae, para pumayag ang kaibigan na samahan niya ito.
Inalalayan ni Mheann si Thalyn, at sinamahan niya ang dalaga sa elevator at pinasakay.
"Ma'am Thalyn, samahan na lang kaya kita." muling saad ng babae sa kaibigan, pero hindi pumayag si Thalyn. Itinulak siya ng dalaga, palabas ng elevator.
"Kaya ko na, Ma'am Mheann. Bumalik kana sa Reception." pagtanggi ni Thalyn sa kaibigan, habang pinipigilan niya itong pumasok sa loob.
Walang nagawa si Mheann, dahil pasara na ang pinto ng elevator. Tumayo muna siya sa harapan at hinintay na makarating sa 16th floor, kung saan naroon ang room na kanilang tinutuluyan.
PAGLABAS ni Thalyn sa elevator ay tiningnan muna niyang mabuti ang mga signage, para hindi siya maligaw. Nang makita niya ang arrow na nagtuturo patungo sa kanyang room number ay sinundan lang niya ito.
THALYN'S POV....
Parang umiikot ang mundo, dahil sa pagkahilo ko sa alăk. Hindi ko namalayan na naparami pala ang inøm ko, dahil sa sakit na nararamdaman ko. Bakit ganon? Nagmahal lang naman ako at naniwala sa mga pangako ng lalaking unang nagpatìbøk ng aking puso. Pero bakit nagawa niya akong saktan? Hindi niya tinupad ang mga ipinangako niya sa akin. Sabi niya, ako lang ang babaing mahal niya at wala ng iba. Magpapakasal kami at bubuo ng sarili naming pamilya. Pero niloko lang niya ako. Ang sakit! Ang sakit-sakit! Parang nakikita ko pa rin sila, habang magkapātøng sa ibabaw ng kama. Mga walang hiya sila! Mga baboy!...
Pagiwang-giwang ang lakad ko, pabalik sa hotel room ko. Hindi pa tapos ang reception ng kasal ng kaibigan ko, pero umalis na ako sa Convention Hall.
"Nasa'n na ba ang room ko? Bakit parang ang layo-layo na ng nilakad ko, pero hindi ko pa rin nakikita ang room number ko. Araaaay! ang ulo ko, masakit!..." tanong ko na parang may kausap. Hinawakan ko rin ang ulo ko, dahil bigla itong sumakit.
Humawak ako sa wall, dahil pakiramdam ko ay umiikot na ang buong paligid. Dahan-dahan ako'ng naglakad, patungo sa dulo ng hallway, kung saan naroon ang kuwartong tinutuluyan ko. Ngunit nagulat ako, dahil sa kamay na bigla na lang humawak sa akin mula sa bukas na pinto na nadaanan ko, at hinila ako papasok sa loob at ni-lock ang pinto.