"Dahan-dahan, Boss, madulas ang semento dahil katatapos lang mag springkle ang hose sa damuhan." saad ng isang tauhan ni Joseph. Mabilis niyang nahawakan si Joseph nang makita niyang nag-slide ang isang paa nito, matapos nitong bumaba sa lader. Mabilis din na umalalay ang isa pa niyang tauhan, dahil nag-aalala sila na baka bumagsak si Joseph at muling magkaka-problema ang paa ni Thalyn na hanggang ngayon ay naka-semento. Kahit may suot na foot brace ang paa nito ay delikado pa rin na masaktan, para mag tuloy-tuloy na ang pag galing ng paa ng babae. "Salamat, Rolly." pasalamat ni Joseph sa tauhan. Natakot din siya dahil sa biglang pagdulas ng kanyang paa. Kung hindi siya nahawakan ng mga tauhan ay siguradong hospital ang bagsak nilang dalawa ni Thalyn. "Huh! Buhay pa ba ako?" nangingini

