JOSEPH'S POV.... IT'S BEEN TWO DAYS mula ng bumalik ako dito sa Malaysia. Ngunit ang isip ko ay laging nasa Pilipinas. Si Gerlyn ang laging sumasagi sa isipan ko. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako nalulungkot nang ganito? Nagsimula lang ito mula noong makita ko sa hospital ang mag-ina. Kung maari lang ay hindi ko sila iiwan, dahil sa matinding pag-aalala. Para din may humihila sa akin pabalik sa kanila, at bawat oras na nagdaraan ay lalo akong nananabik na makita ang mag-ina. Lalo na ang batang si Gerlyn. Gustong gusto ko na siyang makita at makausap. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa kanya? D@mn! Nami-miss ko siya- nami-miss kong makita silang mag-ina. Hindi ko na kayang tiisin ito, kailangan makita ko ang bata ngayong araw at masiguro na ligtas na siya

