LUMIPAT sina Joseph at Bianca sa bahay na niregalo sa kanila ni Aaron Go. Ang half-brother ni Joseph na siyang dahilan kaya sila nasa Malaysia sila ng kanyang mga magulang.
Two story mansion ang ibinigay sa kanilang bahay ni Aaron Go. Naunang dumating sa bahay si Joseph, dala ang isang maletang damit. Ini-akyat niya ito sa ikalawang palapag at ipinasok ito sa master's bedroom. Siya rin ang kusang nag ayos ng kanyang mga gamit, at ng matapos ay ni-lock ang pinto bago bumaba.
Pagbaba niya sa living area ay tama namang dumating si Bianca. Dala niya ang kanyang Lamborghini at may kasunod itong cargo truck. Isang cargo truck ang nagdala ng kanyang mga gamit sa bagong tahanan. Halatang hinakot nito ang lahat ng kanyang mga kagamitan sa condo at dinala sa bagong bahay.
Naka halukipkip na tumayo si Joseph sa may pintuan at pinauod ang mga lalaking nagbubuhat ng mga kagamitan ni Bianca. Samantalang si Bianca naman ay nakabantay sa mga lalaking nagbababa ng kanyang mga gamit.
"Sir, where would you like us to put these boxes?" napalingon si Joseph sa isang lalaki na nasa loob na ng bahay, dahil sa tanong nito.
"Upstairs, in the last room on the right." tugon niya, saka siya tumindig at naglakad patungo sa loob ng bahay.
Umupo si Joseph sa Lounge area ng living room, at inilabas ang kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nagba-browse ng pumasok naman si Bianca.
"Honey, I'm home!" malamyos ang tinig ni Bianca na bungad kay Joseph. Ngunit sinulyapan lang siya ng lalaki at muling ibinalik ang paningin sa cellphone.
Hindi na lang pinansin si Bianca ang lalaki, dahil excited na siyang buksan ang kanyang mga gamit at ilagay ang mga ito sa closet. Naglakad si Bianca, patungo sa hagdan at umakyat siya, habang pinagmamasdan ang buong paligid. Napa-wow pa siya sa kakaibang design ng hagdan, dahil napaka moderno nito. Para itong nakalutang sa gitna ng living room, dahil gawa ang railings nito sa fiber glass.
Pagdating ni Bianca sa second floor ay nakita niyang sa pinaka dulong kuwarto lumabas ang mga lalaking nagbuhat ng kanyang mga gamit. Napakunot siya ng noo, dahil hindi niya inakalang totohanin ni Joseph ang sinabi nitong sa papel lang sila mag-asawa, at hindi sa totoong buhay.
Bagsak ang balikat ni Bianca na naglakad patungo sa kuwartong inilaan sa kanya ni Joseph. Malaki naman ang kuwarto at may sariling banyo at walk-in closet. Nakaharang sa pinakagitna ng room ang kanyang mga gamit, at dito nilapag ng mga lalaking nagbuhat nito. Nasapo ni Bianca ang kanyang noo, dahil hindi niya alam kung paano ito tatanggalin sa box, at ililipat ang mga laman sa cabinet.
Muling bumaba si Bianca, at hinanap ang mga kasambahay, ngunit wala siyang makitang tao sa loob kahit isa. Naabutan niya sa kusina si Joseph at tila may hinahanap.
"Honey, where are the helpers? I need them to help me unbox my things and put them in the cabinets." tanong ni Bianca sa lalaki.
Napa angat ng tingin si Joseph at hinawakan ang pinto ng fredge, bago sumagot. "We don't have any helpers, Bianca. It's probably best if you unpack yourself-- it's your stuff, after all." sagot ni Joseph, saka pabagsak na isinara ang pinto ng refrigerator.
"But, Honey-" sambit ni Bianca, at sinundan ng tingin si Joseph.
"H'wag kang mag inarte dito, Bianca. Matuto kang gumawa ng trabahong bahay!" sambit ni Joseph, saka umakyat sa hagdan.
Napahawak sa noo si Bianca, dahil bigla siyang nahilo. Umupo siya sa kitchen chair at kinalma ang sarili. Nasa ganon siyang ayos ng biglang dumating si Marlyn, kasama ang kasambahay nito.
"Oh, Bianca, anong ginagawa mo dito?" may pagtatakang tanong ni Marlyn sa manugang.
"Tita, kayo pala. Medyo nahilo lang ako, kaya ako umupo dito." sagot niya sa ginang. Kahit kasal na sila ni Joseph ay Tita pa rin ang tawag niya sa ina ni Joseph.
"Halika sa loob, doon ka muna sa sala umupo, para hindi mainit. Baka makasama sa pagbubuntis mo ang sobrang pagod at init ng panahon." sad ng ginang, saka niya inalalayan si Bianca na pumunta sa lounge.
Kumapit lang si Bianca sa ina ni Joseph, dahil talagang nahihilo siya. Ipinaupo siya ni Marlyn sa mahabang sofa at ni-on ang aircon sa loob ng living area.
"Nasaan ba si Joseph, at mag-isa ka rito sa baba?" nagtatakang tanong ni Marlyn sa babae.
"He go upstairs na, Tita." sagot niya, saka niya niyakap ang unan.
"Sinama ko pala si Bheng, para may kasama ka dito, habang hindi pa dumarating ang kinuha kong katulong mo dito. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang si Bheng, para matulungan ka, ha?!" saad ni Marlyn. "Aalis na ako, dadaan pa ako sa planta, para tingnan ang mga bagong harvest na palm oil. Paki sabi na lang kay Joseph na dumaan ako." paalam ni Marlyn.
"Okay, Tita." maikling sagot ni Bianca.
Umalis si Marlyn na tiwalang maayos ang dalawa sa loob ng bahay. Nagmamadali itong umalis, dahil kailangan siya sa plantation. Silang mag-asawa na ang nag-manage ng palm oil plantation ni Samantha, dahil mas pinili na nito ang mabuhay sa pilipinas, kasama ang pamilya nito.
******
ONE YEAR LATER....
KARGA ni Joseph ang anak nila ni Bianca na si Joshua. Anim na buwan na ito at magaling nang tumawa. Karga ni Joseph ang baby, habang pinapaarawan niya ito sa garden. Araw-araw itong ginagawa ni Joseph, dahil gusto niyang maging malusog ang kanyang anak.
Samantalang si Bianca naman ay mahimbing pa rin itong natutulog sa kuwartong tinutuluyan nito. Sa Nursery room natutulog si baby Joshua, at tanging ang yaya lamang nito ang kasama. Nasanay na rin si Joseph sa ugali ni Bianca, kaya pinabayaan na niya ito. Basta huwag lang din siyang paki alaman ng babae ay masaya na siya. Ang mahalaga sa kanya ay kapiling niya ang kanyang anak.
Kapag araw ng linggo ay ipinapasyal ni Joseph ang baby sa bahay ng kanyang magulang. Tuwang-tuwa naman sina Marlyn at Judy, dahil naaaliw sila sa kanilang apo.
"Anak, bakit hindi mo isinasama si Bianca dito? Ang tagal ko na siyang hindi nakikita?" tanong ni Marlyn, habang kumakain sila.
"Nay, may sariling buhay si Bianca, at hindi ko pinapakialaman 'yon. Gaya ng sinabi ko noon pa, sa papel lang kami kasal ni Bianca." sagot ni Joseph sa ina.
"Hanggang ngayon pa ba ay hindi mo pa rin siya napapatawad sa pag iwan niya sa 'yo dati? May anak na kayong dalawa, Joseph. Isipin mo ang kinabukasan ng anak niyo. Hindi maganda na mamulatan niya ang ganyan na sitwasyon niyo ng ina niya." payo ng ama ni Joseph.
"Tay, ilang beses ko na 'yan sinubukan, pero hindi ko talaga siya kayang pagkatiwalaan ulit. Lalo na ngayon, dahil mukhang babalik na naman siya sa kanyang acting career. Ni, hindi nga niya kayang alagaan si Joshua, kahit nasa bahay siya. Pati pag iyak ng bata, ayaw niyang marinig, at laging pinapagalitan si Yaya. Kung hindi ko lang pinapakiusapan si Yaya, baka matagal na kami niyang iniwan." salaysay ni Joseph.
Hindi makapaniwala si Marlyn sa mga narinig. Ang buong akala niya dati ay magiging maayos ang dalawa, kapag lumabas na ang anak nila, ngunit mali siya ng akala.
GABI na umuwi sina Joseph at anak nito. Ang akala niyang makakapagpahinga na siya, ngunit lalo siyang na-stress, dahil sa nadatnan sa kanyang bahay.
"What's the hell happening here?" salubong ang makakapal na kila na tanong ni Joseph sa mga taong nadatnan sa kanyang tahanan. Nag amoy usok ng sigarilyo at alak ang buong living area, dahil sa dami ng mga naninigarilyong bisita ni Bianca.
"Honey, come join us!" malakas na sambit ni Bianca, saka pagiwang-giwang na lumapit kay Joseph.
Agad na tinakpan ni Joseph ng maliit na kumot ang baby, dahil ayaw niyang makalanghap ito ng usok ng sigarilyo. "Yaya, dalhin mo na sa nursery room si Joshua at i-lock ang pinto. Huwag kang magpapapasok ng kahit sino sa loob." saad ni Joseph sa yaya ni Joshua.
"Yes, Sir." sagot nito, saka iniwan si Joseph sa baba ng hagdan.
Matapos masiguro ni Joseph na nasa loob na ng nursery room ang anak ay saka pa lang niya hinarap si Bianca at mga bisita nito. Malalaki ang hakbang niyang lumapit sa console at hinugot ang mga wire na naka connect sa TV at speaker.
Parang dinaanan ng katahimikan ang buong living room, dahil natahimik ang mga bisitang nagtatawanan. Lahat sila ay nakatingin sa lalaki, at nagtataka sa ginawa nitong basta na lang paghugot sa mga cable.
"You! You!... and you. All of you!... Get the f*cking out of my house!" malakas na sigaw ni Joseph, habang isa-isang itinuro ang mga babaeng lasing, saka niya sinipa ang glass center table, kaya nabasag ito kasama ang mga baso, plato at mga boteng naka lagay sa ibabaw.
Agad naman na nagtakbuhan palabas ang mga bisita ni Bianca, dahil sa takot kay Joseph. Hindi inaasahan ng mga ito na gagawin iyon ng lalaki sa kanila. Naiwan pa ang mga sapatos at bag nila sa loob, dahil sa pagmamadali nilang lumabas.
"Who gave you permission to invite your friends to my house, Bianca? Hindi mo man lang ba inisip na may maliit tayong anak na makakalanghap sa usok ng mga sigarilyo ninyo? Anong klase kang ina, Bianca? Hindi mo na nga maalagaan ang anak mo, ilalagay mo pa sa alanganin ang kalusugan niya. Hindi ka nag iisip! Napakawalang kuwenta mong ina, Bianca." nag e-echo sa loob ng bahay ang malakas na boses ni Joseph, dahil sa galit niya kay Bianca.
Muli niyang itinaas ang kanang paa at tinadyakan ang isang side table na nakalagay sa pagitan ng dalawang single sofa. Nakita niya ang mga bag sa isang sulok at hinakot niya ang mga ito, saka malalaki ang hakbang na lumabas sa porch at basta na lang tinapon ang mga mamahaling bag ng mga bisita sa sahig. Muli pa siyang pumasok sa loob at nakita ang dalawang pares na high heels, kaya kinuha niya ito at basta na lang hinagis palabas ng pinto.
"Ikaw! Lumayas ka dito sa pamamahay ko! Hindi ka namin kailangan ng anak ko dito." duro niya kay Bianca na nanlilisik ang mata, saka hinawakan ng mahigpit ang braso ng babae at kinaladkad ito palabas ng bahay.