GALIT NA GALIT na sumugod ang mga magulang ni Bianca sa bahay ng mga magulang ni Joseph. Pagkababa nila sa kotse ay basta na lang nagsisigaw ang ama ni Bianca sa labas ng gate at tinatawag si Joseph. "Joseph Legaspi, lumabas ka dito hayop ka! Magnanakaw! Ibalik mo ang pera at mga alahas ng anak ko, hayop ka! Ibalik mo lahat ang ninakaw mo, kung gusto mong matahimik ang buhay mo at buhay ng pamilya mo." malakas na sigaw ng lalaki. Parang sino ito na matapang at ang lakas ng loob na magwala sa harapan ng gate sa bahay ng mga Legaspi. Nagtatakang sumilip sa labas ng bahay ang mga magulang ni Joseph, dahil sa naririnig nilang malakas na sigaw ng isang lalaki sa labas. Tagalog pa ang salita nito kaya nagtaka sila kung sino iyon. Ngunit bigla silang hinarang ng mga tauhan ni Aaron Go na nagba

