CONFESSION‼️

2063 Words
KINAGABIHAN ay dinala ni Joseph ang ex-girlfriend sa Hospital, para patingnan sa pinsan niyang Doctor. Tinawagan niya ito kanina, para magpa-book ng appoinment nila ni Bianca sa Hospital na pinagtatrabahuan nito. Pagdating nila sa Hospital ay agad silang inasikaso ng Doctor. Dinala ng Nurse si Bianca sa loob ng maliit na room, para doon e-check siya ng doctor. Pinabihis muna siya ng Hospital gown, bago pinahiga sa bed. Tahimik lang na umupo si Joseph sa Sofa, habang hinihintay niyang lumabas si Bianca. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ay agad siyang tumayo, para tanungin ang pinsan, kung ano ang resulta ng pagsusuri nito kay Bianca. "Dorothy, how is she?" tanong ng binata sa pinsan. "Congratulations, Joseph. Your girlfriend is pregnant. She's nine weeks along. You need to buy all the vitamins listed on this paper to ensure the babay's health. Avoid overexertion, late nights, and lifting heavy objects to prevent complications." saad ng doctor kay Joseph. Hindi malaman ni Joseph kung matutuwa siya sa magandang balita, o maiinis. Hindi siya naka imik at nanatiling naka tingin sa pinsan na Doctora, dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. "Joseph? Hey, are you still here?" nagtatakang tanong ng Doctor, dahil hindi na gumalaw si Joseph. Pinitik rin niya ang dalawang daliri, para gisingin si Joseph. Nagulat si Joseph, dahil sa ginawang pagpitik ng daliri ng pinsan. Kumurap-kurap pa siya at iginalaw ang kanyang ulo, dahil sa pagkawala sa sarili. Parang bahagyang tumigil ang kanyang mundo, matapos niyang marinig ang findings ng Doctor sa kanyang girlfriend. "Joseph, Honey, you're going to be a father soon." sambit ni Bianca na parang maiiyak. Niyakap rin niya ang malaking braso ni Joseph, at ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Agad naman na binaklas ni Joseph ang mga kamay ni Bianca na nakakapit sa kanyang braso. Lumayo siya sa babae at muling umupo sa Sofa. Hawak niya ang maliit na papel na listahan ng mga bibilhin niyang gamot. Ilang sandali ang lumipas at muling tumayo si Joseph at nagpaalam siya sa pinsan. Parang wala sa sarili na lumabas sa clinic ng pinsan at naglakad ng mabilis patungo sa elevator. Sumunod lang sa kanya si Bianca, dahil iniwan siya ng lalaki sa loob ng clinic. Hanggang makarating sila sa carpark ay hindi umimik si Joseph. Sumakay sila sa kotse at hinatid niya si Bianca sa Condo nito. Pagdating nila sa harapan ng building ay parang ayaw pang bumaba ni Bianca, dahil pinipilit niyang umakyat muna si Joseph sa kanyang Condo, para makapag usap silang dalawa. "Honey, please, come up to my condo. We can sit there and talk seriously." muling pag anyaya ni Bianca sa lalaki. "I have a lot of work to catch up on at the office. I need to finish the paperwork for the company's new projects. I can call you tomorrow, if.... I'm not busy." sagot ni Joseph. "Go home, Bianca, I need to go back to the company now." pagtataboy niya sa dalaga. Hindi maintindihan ni Joseph ang sarili, dahil parang wala na siyang paki alam sa dating nobya. "Don't you miss me, hon?" tanong ni Bianca, saka pinalamlam ang mukha na parang maiiyak. Biglang hinampas ni Joseph ang manebela, dahil sa inis niya sa babae. Hindi niya maintindihan ang sarili, dahil noon ay mahal na mahal niya ang dalaga, ngunit ngayon ay hindi na niya maramdaman iyon. Para na lang itong kaibigan na dapat niyang tulungan. Hindi na kagaya dati na siya pa mismo ang maghahatid sa babae sa Condo nito. "Have you forgotten that you were the one who broke up with me, Bianca? Stop with the drama. I'm not the same Joseph who always believed everything you said. The day you left me, I also forgot that you were ever a part of my life, Bianca." malakas na sigaw ni Joseph, kasabay ng pagbosena ng sasakyan, dahil natamaan niya ang horn nito. Nagulat si Bianca, dahil sa malakas na bosena ng kotse, at sa inasal ni Joseph. Hindi siya sanay na tratuhin siya ng ganon ng lalaki. Dati ay sunod-sunuran lang ito sa lahat ng naisin niya, pero ngayon ay ibang-iba na ito sa dating Joseph na nakilala niya. Binuksan ni Bianca ang pinto ng kotse at akmang bababa, ngunit hindi siya tumuloy. Bahagya siyang napatigil, dahil muli niyang nilingon si Joseph. Nalungkot si Bianca, dahil hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng binata. Dati ay pinagbubuksan siya ng pinto ni Joseph at inaalalayan makababa, ngunit ngayon ay hindi na nito ginagawa. Kanina rin papunta sila sa Hospital ay hindi rin siya pinagbuksan ng pinto. Hindi rin siya hinintay nito at sinabay sa paglalakad. Bumaba si Bianca at isinara ang pinto. Hindi pa siya nakahakbang palayo ay pinaharurot na ni Joseph ang sasakyan paalis sa kanyang harapan. Malungkot na naglakad ang babae, patungo sa lobby ng building. Kuyom ang kamao niya, habang hinihintay ang elevator. Hindi sanay si Bianca na nababastos. MABILIS na pinatakbo ni Joseph ang kanyang kotse, pabalik sa Company. Kailangan niyang tapusin lahat ang mga pepirmahan hanggang umaga. Kailangan na ang mga iyon bukas ng hapon, kaya mag o-overtime siya sa kanyang opisina at mananatili doon sa buong magdamag. ***** MATAPOS ang conference meeting ay kinamayan ni Joseph ang mga bagong investors nila, saka hinatid sa pinto. Bagbalik niya sa loob ay niyakap siya ng kanyang Kuya Aaron, dahil tumupad siya sa kanyang ipinangako rito. "Good job, bro. Akala ko ay mawawala na sa atin ang mga bagong projects." saad ni Aaron na may malawak na pagkakangiti, saka siya nito inakbayan patungo sa Lounge. "Thank you, Kuya. Pagpasensyahan mo na rin ako, dahil naging pabaya ako nitong nakaraang buwan. Nagkaroon lang ako ng problema, kaya hindi ko naasikaso ang mga projects natin." tugon ni Joseph sa kapatid. "Mukhang malaki ang problema mo, bro? Tungkol pa rin ba yan kay Bianca?" tanong ni Aaron sa kapatid. Biglang nagbaba ng tingin si Joseph, dahil hindi niya alam ang kanyang isasagot. Nahihiya rin siya sa kapatid, dahil muntik na niya itong mapainom ng gamot sa araw mismo ng kasal nito. "Mukhang malaki nga ang problema mo, bro. Umupo ka muna at pag uusapan natin yan. Baka naman may paraan pa, para maresulba ang bumabagabag sa isipan mo." saad ni Aaron, saka nito pinindot ang lock button para sa pinto ng conference room. Muling bumaba ang mga blinds ng bintana at nag-double locked ang pinto. Kumuha si Aaron ng dalawang baso at nilagyan ito ng ice, saka siya naglagay ng whisky. Inikot-ikot muna niya ang baso, bago niya ibinigay kay Joseph ang isa. Umupo si Aaron sa pang isahang upuan sa Lounge area, habang nakaupo naman sa mahabang Sofa si Joseph at tila pagod na pagod itong hinubad ang suot na tuxedo. Niluwagan din niya ang necktie at binuksan ang dalawang botones ng long sleeve polo. Pati ang botones sa manggas nito ay tinanggal niya, saka tinupi ang magkabilang laylayan ng kanyang sleeve. "Puwede kana'ng magk'wento, bro, wala nang makakarinig sa 'tin dito." saad ni Aaron, saka sumimsim ng alak sa baso. Binuksan niya ang botones ng suot na tuxedo at tinanggal ang necktie, saka ibinulsa. Itinaas din niya ang isang paa at ipinatong sa hita niya, at isinampay sa likuran ng upuan ang isang kamay. Sunod-sunod naman na itinunga ni Joseph ang kanyang baso na may whisky, hanggang masaid ang laman ng baso. Bumuntong hininga siya, saka tumingin sa kapatid. Gusto niyang magsalita, pero pakiramdam niya ay para siyang pipi. Ngunit naglakas loob siyang magsabi kay Aaron ng nararamdaman. "Kuya, please, help me." sambit ni Joseph na tila may nakabara sa lalamunan. Natatakot siya sa kapatid, ngunit alam niyang ito lamang ang makakatulong sa kanya, para matapos na ang kanyang problema. "Anong klasing tulong ang gusto mo? Linawin mo, para alam ko ang ginagawa ko." naiinip na turan ni Aaron sa kapatid. Isa pa naman sa ayaw na ayaw niya ay ang paligoy-ligoy. "Anong akala mo sa 'kin, manghuhula?!" pabalang niyang sambit. "Kuya, may naka one-night stand ako noong gabi ng kasal niyo ni Ate. Gusto ko siyang hanapin, pero hindi ko alam kung saan at kung paano magsisimula. Pina-off mo daw ang CCTV sa buong top floor ng Golden Dragon Hotel, kaya hindi ko mahanap ang babae." kinakabahan na paglalahad ni Joseph. "Gago! Kinama mo na't lahat, hindi mo nakilala? Kung hindi ka pa talaga sira-ulo na manghila ng babae na hindi mo alam kung ano ang anyo niya. Paano kung matanda pala ang nakuha mo?" galit na sagot ni Aaron sa kapatid. Parang gusto niya itong bukulan, dahil sa katangahan nito sa babae. "Naka inom ako ng gamot ng gabing iyon, kuya, kaya hindi ko alam ang ginagawa ko." pag amin nito sa kapatid. "Anong gamot? Nada-dr*gs ka?!" hindi makapaniwalang tanong ni Aaron sa kapatid. "Hindi, Kuya, hindi 'yon dr*gs na gaya ng iniisip mo." maagap na sagot ng binata. "E, anong gamot ang ininom mo? Sabihin mo ng deretso, hindi ako manghuhula!" galit na turan ni Aaron sa kapatid. Napatayo na rin siya, dahil sa inis niya kay Joseph. "Vi@gr@, Kuya." nahihiyang pag amin ni Joseph sa kapatid. "Tarant@do ka'ng g@go ka! Matanda kana ba, at kailangan mong uminom ng vi@gr@?!" untag ni Aaron sa kapatid, dahil ngayon lang siya nakarinig ng twenty-four year old man na kailangan nang mag-vi@gr@. "Hindi ko ginustong mainom 'yon, Kuya. Si Kuya Richard kasi, eh! Inutusan niya akong ipainom sa 'yo 'yong alak na nilagyan niya ng gamot. Buti na lang at naagaw ko 'yon noon kay Ate, bago niya mainom." salaysay ni Joseph. "Anong sinabi mo? Binalak mo akong painumin ng vi@gr@? Anong palagay mo sa akin, matandang hukluban na hindi na makagulapay at kailangan painumin ng vi@gr@ sa araw mismo ng aking kasal?" galit na galit na turan ni Aaron sa kapatid. Parang gusto na rin niyang sap@kin ang lalaki, ngunit hindi naman niya magawa. Kapatid niya pa rin ito at hindi naman natuloy ang balak gawin sa kanya. "Paano na lang kapag nainom 'yon ng asawa ko? Hindi ka nag-iisip, Joseph!" may halong pag aalala na sabi ni Aaron. Nakakabingi ang boses nito, dahil sa lakas ng pagsasalita. "Si Kuya Richard ang nagpabigay ng alak, Kuya. Una si Kuya Nathan ang inuutusan niyang mag-abot sa 'yo, pero ayaw ni Kuya Nathan, dahil alam niyang ikakasira iyon ng relasyon niyo. Kaya ako ang inutusan niya." paliwanag ni Joseph sa kapatid. "Humanda sa akin ang Bayawak na 'yon. Kapag kinasal siya, ibibili ko siya ng isang Truck na vi@gr@, at ipapa-inom ko sa kanya araw-araw. Lintik lang ang walang ganti!" nagngingitngit na banta ni Aaron sa kanilang pinsan. "Kuya, tulongan mo naman akong hanapin 'yong babae. Hindi ako nakakatulog sa gabi, dahil siya lagi ang laman ng isip ko. Hindi ko siya nakilala, pero lagi kong napapanaginipan ang mga namagitan sa aming dalawa. Pati ang boses niya ay parang naririnig ko sa tuwing ipipikit ko ang mata ko." pagsusumamo ni Joseph sa kapatid. "Saan mo ba siya nakita, baka sakaling may CCTV sa lugar na 'yon at nakuhaan kayong magkasama?" tanong ni Aaron. Naging interesado din siya sa nangyari sa kapatid, dahil nakikita niyang tinamaan ang kapatid sa babaeng naka one-night stand nito. "Ang natatandaan ko ay dumeretso ako sa room ko, matapos kong inumin iyong alak, saka ako naligo. Pagkatapos no'n, wala na akong maalala. Pero sa mismong kuwarto ko nangyari ang lahat. Basta pag gising ko ng tanghali, nakita ko na lang ang napakaraming dugo sa kama. Pati sa ano ko, may naiwang dugo." kuwento ni Joseph sa kapatid. "Wow! Naka bingwit ka ng virgin." sagot ni Aaron sa kapatid. Pumito pa ito, dahil sa paghanga sa kapatid. "Yes, Kuya." sagot ni Joseph. "May sketch pala ako sa katawan niya, pero walang mukha dahil hindi ko matandaan ang mukha niya." dagdag pa niya. "Paano ko ngayon makikilala ang babae, kung walang mukha?" kumakamot ng ulo na tanong ni Aaron. "May isa pa akong problema ngayon, Kuya. Bumalik si Bianca, buntis siya." pagbibigay alam niya sa kapatid, saka bumuntong hininga. "Oh, diba't ayaw mo noon na umalis? Ngayong nagbalik na, problema mo pa rin?" tanong ni Aaron. Nagsalubong na rin ang makakapal niyang kilay, dahil sa pagkalito. "Hiwalay na kami, Kuya, pero daladala niya ang anak ko." sagot niya. "Anong plano mo kay Bianca, bro? Hindi mo puweding balewalahin ang ipinagbubuntis niya. Dugo't laman mo ang batang 'yon." "Hindi ko alam, Kuya. Naguguluhan ako." sagot ni Joseph. Napahawak rin siya sa kanyang ulo, at sinabunutan ang kanyang buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD