PAGKATAPOS mag-dinner nila Joseph at Aaron ay muling nag usap ang magkapatid sa loob ng Library. Ipinabasa ni Joseph sa kapatid ang huling bahagi ng book na sinulat ni Zafina. Hindi makapaniwala si Aaron na totoo ang sinasabi ng kapatid. Napa-isip din siya ng malalim, at tinanong ang sarili kung sino sa mga guest nila noon ang babae. "D@mn! Kung bakit ko kasi ipina-off ang CCTV sa buong top floor ng hotel?" sambit ni Aaron. Hinampas pa niya ang kanyang table, dahil sa inis niya sa sarili. "Kuya, tanungin mo nga si Ate, kung may kaibigan siyang writer?" saad ni Joseph sa kapatid. Sa pagkakataong ito ay tatanggapin na niya lahat ng klasing tulong, makita lang niya si Zafina. "Sige, tatanungin ko siya. Pero napa-isip talaga ako sa Zafina na 'to? Bakit ayaw niyang magpakilala sa mga re

