TUMATALON-TALON si Joshua, habang Naglalakad silang mag-ama palabas ng arrival hall. Masayang-masaya ito, dahil makikita na rin niya ang bansang Pilipinas, kung saan galing ang kanilang pamilya. Excited rin siyang makapunta sa Island na pag-aari ng kanyang Tita Samantha. Ang isa sa mga sikat na Private Island Resorts ngayon sa Pilipinas, ang Lakeshore Island Resort. Paglabas nila ay naka abang na sa labas ang mga tauhan ni Aaron Go, para sunduin sila. Agad silang lumapit sa mag-ama at kinuha ang trolley na itinutulak ni Joseph at dinala ang mga bagahe nila sa loob ng isang Van. Sumakay naman ang mag-ama sa Limousine na laging ginagamit ni Joseph na service sa lahat ng kanyang mga lakad. Habang nasa daan sila pauwi sa Makati ay nakatingin lang sa labas ng bintana si Joshua. Tuwang-tuwa

