JOSEPH'S POV...... PARANG UMAKYAT lahat ang dugo ko sa ulo, dahil sa galit na bigla na lang sumibol sa dibdib ko, pagkakita ko kay Kirat. Parang biglang bumalik sa akin ang mga pangyayari kaninang tanghali. Hindi ko makakalimutan ang pagkakabar*l nila kay Joshua na ngayon ay nakikipaglaban kay kamatayan. Pero alam kong brave boy ang anak ko, at lalaban siya para sa akin; sa aming lahat na nagmamahal sa kanya. "Hayop ka! Nang dahil sa 'yo, kaya nasa panganib ang buhay ng anak ko!" saad ko kay Kirat, saka ko siya binigyan ng malakas na sunt0k sa mukha. Ilang beses ko iyon ginawa, hanggang pumutok ang kanyang labi at ilong. Kahit namimilipit na siya sa matinding sakit, ay hindi pa rin ako tumigil. Hinila ko siya patayo at muling sinikmurahan. Agad naman siyang natumba, dahil hindi na niy

