Year 2009 It's january na!! Sasabihin ko na kaya sa kanya? Pero, ah! Sa birthday na lang niya sasabihin na buntis na ako, january na pala malapit na birthday niya. "Alam niya ba?" tanong ng kaibigan ko sa akin. "Hindi pa eh!" aniko sa kanya. "Sabihin mo na sa kanya gusto niya na magka-anak na kayong dalawa at dumating na ang hiling niya sa Diyos binigay na niya sa inyo," aniya sa akin. "Tyempuhan ko siya na kaming dalawa lang para masabi ko sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko," aniko sa kanya. "Ayun siya!" aniya at tinuro niya ang palapit na fiance ko tumingin siya sa bintana nakita ko na sumenyas ang kaibigan ko. "Hey!" bungad ng fiance ko sa amin. "Ang tagal mo naman!" simangot kong sambit sa fiance. "Hindi mo ako ginising eh!" anito sa akin. "Alam mo ba para kang naglilihi

