After 5 months "Ate, hindi ka na ba naduduwal?" tanong niya habang nasa loob kami ng van. "Hindi na, Jeree excited na ako malaman kung ano ang gender ng baby ko pagkatapos malaman natin na kambal sila nung last month na nagpa-ultrasound ako," aniko sa kanya excited ako. "Ako rin, ate tuturuan ko kaagad sila." aniya sa akin napatingin ako sa kapatid ko. "Turuan mo sila kapag nasa tamang edad na 'yong kambal at kapag kaya na ng katawan nila makipag-bugbugan," aniko sa kanya. Nang makarating kaming dalawa sa hospital. Pinarada muna ng driver namin ang van sa parking lot bago bumaba kami sa van. "Malaki ang mga anak mo, ate kasi ang laki ng tyan mo parang bola ng basketball." aniya sa akin bago kami lumakad papunta sa entrance ng hospital. "Ikaw ah! Tigilan mo si Mitchielle nahuli kita

