Jeree POV Nakikinig ako sa teacher namin ng makita ko ang babaeng kaklase namin nakatingin siya sa akin. Umiwas siya ng tingin ng tinignan ko siya binalik ko ang tingin ko sa teacher namin. "Brad, saan tayo tatambay?" tanong niya sa akin. "Pupuntahan ko si ate sa kantina, saan mo ba balak tumambay?" tanong ko. "Sa damuhan sa likod ng building mahangin sana," aniya sa akin. "Hindi ako makakasama," aniko sa kanya. Tinapik niya ako sa balikat at nagtanong siya sa akin. "Kamusta na ang chikababe mo?" asar na aniya sa akin at ngumisi siya. "Baliw!" aniko at inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Ayyiie.." asar niya sa akin inirapan ko siya. "Para kang babae ang lantod mo," aniko sa kaibigan ko. Hindi ko na siya pinansin pero sumasagi sa isip ko si Chielle. "Hoy! Hindi ako ma-lanto

