Chapter 12 [Serenity’s POV] Nakatitig lang ako sa taong nakikita ko ngayon. Ang masama nga lang, ako lang ang nakakakita sa kanya. Hindi nya ko nakikita. Gusto ko syang kausapin at yakapin, pero hindi pwede at kahit kailan, hindi ko na maaaring gawin pa. Sinagi ako ng konti ni Mr.AA kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa cellphone nya kaya naman tinignan ko din ito. Nagtype pala sya ng text. Hoy Multo! Bakit tulala ka? “Naaalala mo pa yung no. 1 sa mission list ko?” Binura nya ang una nyang ti-nype at nagsimula na namang mag du-dutdot sa cellphone nya. Pagbatiin ang dalawa mong kapatid? “Tama ka. Buti naaalala mo pa, yung babaeng sumigaw kanina, sya ang kapatid kong si Hershey. Si Hershey Martires” “HAH?” Napatingin lahat kay Austi

