Chapter 39 [Serenity’s POV] Nagpaikot ikot ako sa kama dahil sa sobrang kilig. Madaling araw na pero gising pa din ako dahil ayaw akong dalawin ng antok. Sariwa pa din kasi sa alaala ko ang pag-amin sa’kin ni Mr.AA. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na mahal nya na ko tulad ng nararamdaman ko sa kanya. Pakiramdam ko nga, lumilipad ako sa ere. Buti na lang at sa sahig natulog sina Avery, nilatagan na lang nila ng banig. Ewan ko ba dyan sa magkaibigan na yan, ayaw atang tumabi sa’kin. Pero bahala na sila sa buhay nila, ang mahalaga ngayon ay ang nararamdaman ko. Para ngang libo libong paru-paro pa ang naglilipadan sa tiyan ko ngayon. Kahit anong gawin kong pigil, napapangiti pa din ako ng abot tenga. Ang sarap pala talaga ng feeling na mahal ka ng taong

