PAGKATAPOS ngang kumain ay nagtungo kami kina Sunshine. Si Caliban, sumama sa amin. Nang makarating doon ay nakita ko si Hepe at Verron. Para tuloy reunion noong tatlo ang nangyari. Hepe, Verron, and the others whom I’m not familiar with are preparing for a table, Iinom yata dahil may nakita akong mga alak. Narinig ko pang inaaya ng mga ito si Caliban bago kami pumasok sa loob. “Salad, Ma’am.” Naghain si Sunshine. “May dala din kami sa’yo!” Vanessa giggled. Inilagay nito sa lamesa ang isang tupperwear ng pininyahang manok. “Luto iyan ni Liberty!” “Talaga? Titikman ko na, kung ganoon. Hindi ko alam na marunong ka po palang magluto.” “I know right.” Vanessa pulled a chair. Ganoon din ako. The house was pretty empty except Sunshine. Siya lamang ang tao. Siguro’y nagpunta rin sa ibang

